Gabbi Garcia di bumibitiw sa pangarap na maging piloto

GABBI GARCIA

FRANCE ang kasunod na destinasyon ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia matapos magliwaliw sa Hawaii. Sa isang photo niya sa IG habang nasa Hawaii, nakasakay siya sa isang plane at nakaupo sa pilot seat.

Pangarap kasi ni Gabbi na maging piloto at kahit inagaw na ng showbiz ay hindi pa rin siya bumibitiw sa dream niyang ‘yon.

Sa latest post niya, kinumpirma niya ang pagpunta sa France, “Yes, it’s CONFIRMED! See you soon, France #Making MegaWithGabbiGarcia #MakingMegaFrancewithGabbiGarc ia @mega_magazine.”

Siyempre pa, nagpaabot ng pagbati ang ka-loveteam ni Gabbi na si Ruru Madrid na kanya namang pinasalamatan.

Anyway, nagkasama sina Gabbi at Ruru sa launching ng Yes! 100 Most Beautiful Stars 2017 last Tuesday sa Luxent Hotel.

Isa siya sa baguhang Kapuso artists na nakasama sa listahan kung saan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang napiling maging cover.

Read more...