ANG salita ay hindi lamang mga titik, ito’y kumakatawan sa pananaw, sa pakiramdam, sa damdamin, sa kaligayahan o kalungkutan, sa kahinahunan o sa kaguluhan, sa pagtanggap, sa kapootan.
Kung ito’y kumakatawan lamang sa iyo, walang kaso sabi nga, sino bang masasaktan mo maliban sa sarili mo?
Pero gaano ka kasiguro na ikaw lang ang masasaktan? Paano ang mga taong may pakialam at nagmamahal sa ‘yo? At teka nga muna, bakit mo rin naman kaya sasaktan ang sarili mo, aber?
Oo, salita ang paksa ng espasyong ito ngayon. ‘Yun kasi ang pinag-uusapan ngayon. Ilang kontrobersiya ba ang pumutok kamakailan lamang na ang pinagmulan ay kung ano ang kamada ng mga salita?
The last time I checked, this country is democratic.
What I will add in the current discussion of words that directly hit sense and sensibilities is the take on perspectives. Everyone has and everyone differs when it comes to perspectives.
Ang nakakatawa sa iyo ay maaaring hindi nakakatawa sa iba, kahit gaano mo pa siya kakilala, kahit gaano mo pa kagamay ang iyong madla, ang iyong masa.
Hindi rin ito usapin ng tooo o hindi. Ibang perspektiba ‘yan. Diyan, kapag pag-uulat na totohanan at diretsahan, dapat ilabas, hindi dapat pinag-uusapan ang masasagasaan.
Hindi rin dapat na inaaligata ang interes ni ganito at ganire. Chill lang! (Did I just use the words inaaligata and chill in the same breath?)
Pero hindi nga ba isinasaalang-alang yang mga interes na ‘yan sa kulturang ito? Sa lipunang ito? Sa gobyernong ito? Noon at ngayon?
Ang mga bagay na masakit na pag-usapan noon ay masakit din ngayon.
Ang nagbabago ay kung paano tumutugon dito ang mga pinatutungkulan.
Kung dati, pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Hindi na ngayon. Kung noon, itinatago ang mga bagay na sa lipunang ginagalawan ay itinuturing na kahihiyan, ngayon, ipinagsisigawan ito sa buong mundo, may pumapalakpak, may naiinis, may walang pakialam.
Nagbabago ang mga perspektiba o pananaw ng tao, ng lipunan kasabay ng pagbabago ng kanyang kalagayan sa iba’t ibang antas at larangan.
Ngunit ang kapangyarihan ng salita, mananatiling ganun, kung ano ang taal na kahulugan nito. Ang mataba ay mataba. Ang payat ay payat.
Ang gahasa ay gahasa. Ang sexual orientation ng tao, celebrity man o hindi, puwedeng national security concern na ngayon. Hindi original si Charice ha, may Navy Seal na may purple medal pa for bravery ang nauna sa kanya. May libro pa!
What I am driving at, if I haven’t nailed it yet, is that our words define our thoughts, our words magnify and mirror who we are.
We may be talking about other people’s lives, we may be offering a medium of transparency for and in behalf of what we consider our audience. But in reality, we are only exposing our own prejudices and ignorance branded as intellectual freedom expressed in words.
Mag-ingat sa iyong mga salita, ihahayag ka nito.
Si Arlyn Dela Cruz ay araw-araw na
mapakikinggan sa programang Banner Story sa Radyo Inquirer 990AM alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. Kasama niya sa programa si Jake Maderazo na kolumnista rin ng Bandera.
The power of words never underestimate it
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...