TONI epal na ate, pati lovelife ni ALEX kinokontrol


TANGGAP na tanggap na nga ni Mommy Pinty si director Paul Soriano para kay Toni Gonzaga. Sabi nga ni Toni during the presscon of “Four Sisters And A Wedding” ay hindi naman naiinip si Paul kung kailan sila magpapakasal, “Hindi naman,” sambit niya.

Wala nang pagpipigil sa kanilang kasal? “Ay, wala nang pagpipigil. May blessings naman. Pinatunayan naman sa loob ng
anim na taon. Nagpatunay din (siya). Nagtiyaga, naglaga, pinaghirapan niya naman,” sabi pa niya. Makakaya ni Alex ang pinagdaanan niya na matagal bago nagka-boyfriend?

“Tingin ko makakaya ni Alex kasi nandito naman ako, tutulungan ko siya. Saka nakikita naman niya ang bunga sa akin, hindi naman ako napapariwara. Hindi naman tayo pinaghihigpitan ng mommy’t daddy dahil para lang sa wala. Nakikita mo naman na inaalagaan tayo.

Masakit man ‘yan ngayon, kung hindi mo man maintindihan, in the future makikita mo na para sa ikagaganda ng buhay mo,” paliwanag niya.Now that Alex is also a Kapamilya ay naging “mas pakialamera” si Toni, “Dati kasi hindi ko siya napapakialaman, hindi ko siya natututukan.

Kung anu-ano ‘yung nagagawa, napagsasabi. Pero ngayon talagang ako na ‘yung tumatayong magulang niya na ginagabayan siya pati sa pagsagot sa interview.”Siya ba ang dahilan ng paglipat ni Alex sa Dos? “Hindi naman ako, mga situations, mga pagkakataon, mga circumstances na nangyari kaya nag-lead dito.”

Expected na ni Toni na may magsasabing walang utang na loob si Alex dahil sa pag-iwan niya sa TV 5? “Napagdaanan ko naman ‘yon. Lahat ng tao na naggo-grow nasasabihan ng walang utang na loob. Hindi naman siguro ano, hindi ko na masasagot ‘yan sa ngayon. Napagdaanan ko na ‘yon. Magmo-move on din sila.”

Having said that, sinabi rin ni Toni na hindi na nasaktan ang younger sister niya when she was labeled as an ingrate, “Hindi kasi nakita na niya na nasaktan na ako before. So nu’ng napagdaanan niya ngayon, ‘ah, ito pala ang napagdaanan niya before.”

Pero teka, naniniwala ba kayo sa mga chika na hanggang ngayon ay virgin pa itong si Toni at talaga ipini-preserve niya ang kanyang kabirhenan para sa kanyang magiging asawa? At iyan kaya ang dahilan kung bakit okay lang sa kanya ang ginagawang paghihigpit ng kanyang mga magulang? Well, kung true, bilib kami kay direk Paul Soriano, ha!

Read more...