Mala-papayang ‘BOOBS’ ni ANGEL nag-hello na naman sa presscon

GRABE! Wala pa ring kupas ang kaseksihan ni Angel Locsin! Ang sexy-sexy niya ngayon and as usual, pinagpiyestahan na naman ng mga kalalakihan ang kanyang malulusog na boobs!

Sa presscon ng latest movie ng Star Cinema, ang “Four Sisters And A Wedding”, naging center of attraction na naman ang nagmumurang dibdib ni Angel. May cut kasi ang kanyang suot na gown sa gitna ng kanyang dibdib kaya kitang-kita ang halos kabuuan nito. Kung magkakamali nga lang ng galaw si Angel ay baka bigla pang sumilip ang kanyang nipples.

In fairness, mas lumutang ang kaseksihan ni Angel dahil sa halos mag-hello na niyang dibdib, pero hindi rin naman nagpatalbog ang beauty ng ma kasama niya sa movie na sina Toni Gonzaga, Bea Alonzo at Shaina Magdayao.

Samantala, inamin ni Angel na mas lalo siyang nagiging excited sa paghihintay sa araw na magpapakasal na siya. Sey ng aktres, naniniwala siya na may perfect timing ang lahat ng bagay sa mundo, lalo na ang pagpapakasal ng isang tao.

Kung matatandaan, sinabi rin ng kanyang dyowang si Phil Younghusband na umaasa siyang si Angel na nga ang kanyang pakakasalan pero marami pa raw silang priorities ng aktres.

Pahayag ni Angel na sa edad niya ngayong 28 ay marami pa siyang gustong gawin, lalo na para sa kanyang pamilya, pero aniya, hindi naman daw ito magiging hadlang kung feeling niya ay handang-handa na siyang magpakasal.

“Medyo unfair lang kasi marinig ‘yon kasi breadwinner kasi ako ng pamilya ko. Para sa akin kasi, kaya nga ako nagtratrabaho para sa kanila. “Hindi ganu’n kadali ang magdesisyon para sa akin kasi kailangan kong isipin ang pamilya ko. Alam ko naman na ang pamilya ko, gusto ng happiness ko, pero hindi lang kaya ng konsensiya ko na pabayaan ko sila.

“So, lahat ng gagawin ko, nakadepende sa pamilya ko talaga,” paliwanag ng aktres. Actually, sabi ni Angel, noon daw ay plano niyang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya sa edad na 22, “Pero 28 na ako ngayon, lumagpas na ako sa deadline ko pero darating at darating din naman ‘yan.

Ewan ko, parang nakakatuwa kasi mas nagiging excited ka para sa bagay na ‘yon. “Siguro kapag nagkaroon ako ng pamilya, sobrang the best siguro ‘yon,” nangingiting pahayag ng dalaga kasabay ng pagsasabing mas magiging madali sa kanya ang magpakasal kay Phil kung maayos na ang kanyang pamilya.

“Okay naman na sila, e. Parang gusto ko lang maibigay kung ano pa ‘yung kakayanin ko, di ba? Mahirap kasi ‘yung papasok ka pamilya nang hindi ka pa ready. Gusto ko lang lahat maayos,” tugon pa ng dalaga. Last May 27 nag-celebrate ng first anniversary sina Angel at Phil sa Singapore. Sinorpresa ni Angel si Phil, na may laro kasama ang Team Azkals para sa Singapore Cup.

Anyway, showing na sa June 26 nationwide ang “Four Sisters And A Wedding” na unang pasabog ng Star Cinema para sa kanilang 20th anniversary. Ito’y sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina, kasama rin dito sina Carmi Martin, Buboy Garovillo, Sam Milby, Bernard Palanca, Janus del Prado at Angeline Quinto.Base sa napapanood naming trailer ng pelikula, malakas ang feeling ko na maihihilera rin ito sa mga all-time box-office hit ng Star Cinema!

Read more...