2 maghahati sa P39.4M lotto jackpot

ISANG 55-anyos na negosyante na naghahango ng paninda sa Divisoria at ibinebenta sa Camarines Sur ang isa sa dalawang maghahati sa P39.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Hunyo 6.
Pumunta na sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo na nagkakahalaga ng P19.7 milyon.
Ang nanalo ay mayroong tatlong anak.
Siya ay tumaya ng P20 sa lucky pick at makuha annabolang kombinasyon na 22-13-05-19-25-10.
Nais ng nanalo na ipagpatuloy ang kanyang pagnenegosyo at magpatayo ng mga apartment. Titipirin umano niya ang pera para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Ayon sa nanalo namimili siya ng mga panindang laruan, damit at kung anu-ano pa sa Divisoria at itinitinda sa kanilang lugar.
Minsan ay inuutang pa umano niya ang kanyang mga ititinda sa sukling Intsik.

Read more...