Top rookies sa PBA ngayon | Bandera

Top rookies sa PBA ngayon

Dennis Christian Hilanga - July 12, 2017 - 08:20 PM

GOVERNOR’S Cup na lang ang hinihintay at matatapos na ang ika-42 season ng PBA.

Ibig sabihin ay muli na namang kikilalanin ang mga natatanging manlalaro sa nakalipas na taon at isa sa pinaka-aabangan ay ang Rookie of the Year Award.
Pumili ang BANDERA ng limang rookies na matapos kuminang sa collegiate ranks ay nagpakita rin ng gilas sa mas malaking entablado sa PBA. Silang lima ay bahagi ng Jones Cup-bound Gilas at ng 24-man pool ng pambansang koponan na sasabak sa Fiba Asia Cup sa Lebanon sa Agosto.

Kilalanin natin kung sinu-sino ang future stars ng pinakamatandang liga sa Asya.
MATTHEW WRIGHT (#35 shooting guard/ small forward, Phoenix Fuel Masters)

2016-17 PBA Commissioner’s Cup averages: 14.25 ppg, 5.0 rpg, 4.75 apg, 1.13 spg

Tila ba tugmang-tugma ang apelyido ni Matthew Wright para sa Phoenix. Kasi nga ay ‘right’ siya para sa Fuel Masters na hangad ang unang titulo sa PBA.

Noong Philippine Cup ay pumangatlo si Wright sa scoring leaders matapos mag-average ng 18.5 points per game kasunod nina Terrence Romeo at Junemar Fajardo. Tinulungan niya ang Phoenix na makarating sa quarterfinals sa nasabing tournament. Sa Commissioner’s Cup ay nagrehistro si Wright ng career-high 42 puntos kontra NLEX ngunit bigong umusad sa playoff round ang Fuel Masters. Minsan din siyang pinangalanan bilang ‘Player of the Week’ noong Enero.

Kung titignan ay simple lang maglaro ang 3rd overall pick mula Canada pero ang kanyang swabeng shooting skills ang katangi-tangi sa kanya. Kaya naman hindi kataka-taka na mapabilang ang 26-anyos na si Wright sa Gilas 5.0 na ngayon ay go-to-shooter ng national team tulad na lang ng laro kontra Vietnam sa SEABA. Dalawang beses din naging MVP si Wright sa 2017 PBA All-Star Week.

JIO JALALON (#6 point guard, Star Hotshots)

2016-17 PBA Commissioner’s Cup averages: 10.27 ppg, 4.53 rpg, 3.47 apg. 1.6 spg

Dati nang mabilis ang backcourt ng Star dahil kina Mark Barroca, Paul Lee, at Justin Melton pero mas pinatulin pa ito nang dumating si Jio Jalalon, dahilan para mas mahirapan ang ibang koponan na pigilan ang mga gwardya ng Hotshots.

At hindi lang magagandang plays ang kayang gawin ng 5-foot-10 at 2nd overall pick mula Arellano University dahil kaya rin niyang lusutan ang depensa ng mas matatangkad na katunggali at tumira sa labas. Patunay nito ang itinalang 9.35 puntos kada laro na average sa Philippine Cup.

Humugot din ng sapat na lakas ang Hotshots sa 24-anyos na si Jalalon sa Philippine Cup para umabot hanggang sa semifinals. Nakarating rin ang Star sa semis ng Commissioner’s Cup pero yumuko sa eventual champion San Miguel. Dahil sa nakabibilib na talento ng tubong Cagayan de Oro City na si Jalalon, nakasama siya sa Gilas 12 na nagkampeon sa katatapos lang na SEABA Championships.

MAC BELO (#2 small/power forward, Blackwater Elite)

2016-17 PBA Commissioner’s Cup averages: (injured)

Wala nang paliguy-ligoy pa ang Blackwater sa pagpili kay Mac Belo bilang number one overall pick sa 2016 PBA Rookie Draft. Ito ay dahil sa mahusay na nilaro ng 6-foot-4 mula Midsayap, North Cotabato sa kanyang college school na Far Eastern University kung saan siya ang naging sandigan ng Tamaraws.

Hindi naman binigo ng 24-anyos na si Belo na pamununan ang Elite nang dalhin ang koponan tungo sa franchise-best na 2-0 sa pagbubukas ng season-opening 2017 PBA Philippine Cup kung saan din siya itinanghal bilang ‘Player of the Week’. Kung ano ang pagiging soft-spoken ni Belo sa labas ng court ay siya namang pagiging agresibo niya sa basket matapos magtala ng 14.33 points per game average sa Philippine Cup para pangunahan ang Elite.

Sa kasamaang palad, sa unang tatlong laro ng elimination round lang ng Commissioner’s Cup nakita si Belo dahil sa iniindang sakit sa tuhod. Apat na buwan ding napahinga si Belo dahil sa injury na ito na kinailangang operahan. Nitong nakaraan lamang ay inanunsyo ni Gilas head coach Chot Reyes ang kanyang pagbabalik Gilas. Inaasahang bubuhating muli ni Belo ang Blackwater sa Governor’s Cup upang makabawi matapos maagang napatalsik sa nakalipas na conference.

ROGER POGOY (16# shooting guard/small forward, TNT KaTropa)

2016-17 PBA Commissioner’s Cup averages: 11.5 ppg, 4.41 rpg, 1.14 apg

Kahit na rookie at napapabilang sa koponan ng mga beterano, ipinamalas ni Roger Pogoy na karapat-dapat siyang mabigyan ng playing time sa TNT. Sa katunayan, siya ang ikawalang manlalaro sa roster ng KaTropa na babad kasunod ni Jason Castro.

Sa nakalipas na Philippine Cup ay nag-average ang 8th overall pick mula Far Eastern University ng 9.35 points per game. Bawat minuto sa laro ng KaTropa ay binibigyang halaga ni Pogoy lalo at malaki ang inaasahan sa kanya ng kanyang long-time mentor buhat noong siya ay nasa FEU pa na si Coach Nash Racela.

Si Pogoy ang isa sa mga TNT players na nagpahirap sa Ginebra sa kaning best-of-five semifinals series gamit ang matinik na perimeter shooting at walang takot na mga drives. Umiskor si Pogoy ng career-high 27 puntos sa Game 1 ng finals series laban sa San Miguel sa Commissioner’s Cup.
KEVIN FERRER (#14 small forward, Barangay Ginebra San Miguel)

2016-17 PBA Commissioner’s Cup averages: 4.06 ppg, 2.75 rpg, 1.19 apg, .31 spg

Sakto ang pagpili ng Barangay Ginebra kay 10th overall pick Kevin Ferrer lalo nang ma-injure si Greg Slaughter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagaman undersize sa center position sa height na 6-foot-6 ay ipinakita ni Ferrer na pwede siyang sandalan ng Gin Kings sa pagdepensa sa mga beteranong bigman kahit sa mga krusyal na laban. Isa na dito ay ang nangyaring girian nila ni Arwind Santos sa Game 3 ng Philippine Cup Finals. May 6.96 points per game average si Ferrer sa conference na ito.

Hindi lang sa depensa maaasahan ang 24-anyos mula University of Sto.Tomas dahil kaya rin niyang umiskor mula sa labas. Nagtala si Ferrer ng career-high 25 puntos sa Games 2 ng Philippine Cup Semifinals series kontra Star Hotshots.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending