NASANGKOT sa away dahil sa basketball ang EB Bae na si Miggy Tolentino. Ayon sa report ng GMA News, sinugod umano ni Miggy ang referee na si Tonton Fajardo dahil sa pagtawag nito ng foul sa isa niyang ka-team.
Larong barangay lang ‘yon pero hindi raw napigilan ng isa sa cast ng daytime series na Trops ang sarili nang uminit ang kanyang ulo.
Walang naging pahayag si Miggy tungkol sa kinasangkutang gulo. Balitang dalawang beses nang sinubukang ayusin ang gusot ng magkabilang kampo sa kanilang barangay pero hindi raw nakapunta si Miggy dahil may taping. Ngayong Huwebes, naka-schedule uling magharap si Miggy at ang referee.
Sa tweet niya nu’ng Lunes nang gabi, heto ang saad niya, “Huwag po muna kayo maghusga.”
“Kilala ako ng mga tao na malapit saken. Wait naten side ko. Godbless guys,” tweet pa ni Miggy.