Mga OFW maaari nang mangutang sa OFW bank

PWEDE nang mangutang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa OFW Bank.

Ang mga OFW ay maaari nang pumunta sa OFW Bank,na siyang nangangasiwa sa remittances at iba pang pangangailangang pangbanko ng mga migranteng manggagawa, para makakuha ng micro-finance loans.

Sa Oktubre ay magsisimula ang operasyon ng OFW Bank.

Kapag nailunsad na ang OFW Bank, pwede nang mangutang at ipantustos sa pagtatayo ng negosyo ang mga OFWs.

Maliban dito, patuloy din ang pagtutok ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa money claims ng mga umuwing OFWs sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na nawalan ng trabaho.

Hinihintay pa ang pinal na aksyon ng korte sa mga hindi nabayarang sahod at iba pang monetary claim.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang OWWA sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Al Khobar para mapabilis ang pag-proseso ng monetary claims ng OFW sa korte sa Saudi.

Inaasikaso na ang mga kasong-paggawa na isinumite ng may 100 OFW na huling nagsampa ng reklamo para kanila ring matanggap ang mga sahod at benepisyong hindi ibinigay ng kanilang employer.

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...