San Miguel Beer nakuha si Pessumal sa Globalport kapalit ni Van Opstal

MAS pinalakas pa ng San Miguel Beer ang backcourt nito matapos makuha si GlobalPort shooting guard Von Pessumal  kapalit ni center Arnold Van Opstal.

Inaprubhan Lunes ang naganap na trade.

Naging madalang ang paglalaro ng 24-anyos na si Pessumal para sa Batang Pier dahil kaagaw niya sa oras ang mga stars na sina Terrence Romeo at Stanley Pringle kung saan siya nag-average lamang ng 5.5 puntos mula sa 39% shooting sa three-point range sa loob ng 15 minuto ngayong season.

Ngayong nasa panig na ng Beermen na hangad ang ikalawang Grand Slam sa kanilang franchise, inaasahang dagdag banta ang outside shooting ni Pessumal bukod pa sa mga beteranong guwardiya ng koponan na sina Marcio Lassiter, Chris Ross at Alex Cabagnot.

Bihira ring makita sa hardcourt ang 6-foot-9 na si Van Opstal suot ang San Miguel Beer jersey sa nakalipas na Philippine Cup at Commissioner’s Cup at gumawa lamang ng 11 puntos at 11 rebounds sa kabuuang 20 minutong paglalaro.

Makakasama ng dating La Salle cager sa Batang Pier sina Mick Pennisi, Rico Maierhofer, Bradwyn Guinto at import Jabril Trawick bilang sentro ng depensa ng koponan.

Read more...