F2 Logistics, Petron uumpisahan ang PSL All-Filipino Conference Finals duel | Bandera

F2 Logistics, Petron uumpisahan ang PSL All-Filipino Conference Finals duel

Angelito Oredo - July 11, 2017 - 12:02 AM

Mga Laro Ngayon
(Muntinlupa Sports Center)
5 p.m. Foton vs Cignal (battle for 3rd place)
7 p.m. F2 Logistics vs Petron (Game 1, best-of-three Finals)

PATIBAYAN ang nagtatanggol na kampeong F2 Logistics Cargo Movers at Petron Blaze Spikers sa pag-aagawan sa unang panalo sa pagsisimula ngayon ng 2017 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference best-of-three finals sa Muntinlupa Sports Center.

Una munang magsasagupa ganap na alas-5 ng hapon ang Cignal HD Spikers at Foton Tornadoes para sa ikatlo at ikaapat na puwesto bago sundan ng inaasahang magiging matinding salpukan sa pagitan ng kapwa de-kalidad at kapwa sanay sa kampeonatong labanan na Cargo Movers at Blaze Spikers sa ganap na alas-7 ng gabi.

Iba’t-iba naman ang reaksyon ng mga coaches hinggil sa magaganap na salpukan partikular kay Generika Ayala Lifesavers coach na si Francis Vicente kung saan kakampi ng Blaze Spikers si Foton head coach Moro Branislav at Cocolife mentor Kungfu Reyes habang pinili ni Cignal coach George Pascua ang Cargo Movers dahil sa malawak na karanasan at lakas sa iba’t-ibang departamento.

Sinabi ni Reyes, na giniyahan ang RC Cola-Army sa matinding panalo sa Thailand junior national team sa pag-uwi sa korona ng Invitational Conference nakaraang taon na nakasalalay kina Mika Reyes, Remy Palma at Ria Meneses ang pagpigil kina Kim Dy at Ma. Joy Baron, ang Most Valuable Player sa nakaraang UAAP wars.

Matatandaan na nagwagi ang Blaze Spikers sa kanilang paghaharap ng Cargo Movers sa loob ng dalawang oras na labanan bago nagwagi sa mga iskor na 23-25, 23-25, 25-14, 25-15 at 15-9.

“This time I go for Petron,” sabi ni Reyes matapos itulak ang Asset Managers sa ikalimang puwesto. “They have a deeper bench, more matured players, efficient setter, effective opposites, stable blocking and good rotation. Aside from that, their middle blockers can stop the middles of F2 Logistics. So it’s going to be a very interesting series.”

Gayunman, hindi kumbinsido si Cignal coach George Pascua.

“The character and familiarization of the players and coaches are already there,” paliwanag ni Pascua. “They have been preparing for this tournament since last year.”

Nakita mismo ni Pascua, na arkitekto sa pagwawalis ng Petron sa komperensiya dalawang taon na ang lumipas, ang matinding karakter at pamilyarisasyon ng F2 Logistics na malaking susi sa inaasam na panalo sa kanilang matira-matibay na salpukan sa semifinals.

“F2 Logistics is younger and more aggressive. They have a more solid blocking and reception,” sabi pa ni Pascua, na aminado na mahirap tibagin ang Cargo Movers dahil matagal na itong magkakasama sa paglalaro sa nakalipas na limang taon at pamilya sa kampeonato bilang miyembro ng De La Salle University.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban kay Reyes, ang Cargo Movers ay ipaparada ang dating lineup na nagtulak dito sa pagwawagi sa All-Filipino crown nakaraang taon sa pamumuno nina Aby Maraño, Kim Fajardo, Kim Dy, Ara Galang at Baron.

“It’s going to be a very tight game. It won’t surely be decided until the final buzzer,” sabi ni  Vicente, ang national women’s coach. “Both teams have four national players each so it’s evenly matched. Both have tall lineup, aggressive and wanted to win. So their chances of winning the crown would all depend on their championship tactics.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending