Gretchen ipinagtanggol si Claudine sa basher; Gusto na nga bang makipagbati?

 

NABWISIT si Gretchen Barretto sa isang netizen nang ikumpara siya nito sa kapatid na si Claudine.

Pinansin kasi nito ang kaseksihan ni Greta na kahit daw may edad na ay naaalagaan pa rin ang katawan, hindi raw tulad ni Claudine na lumobo na.

Ayon kay Gretchen hindi raw tama na purihin siya habang binabagsak naman ang ibang tao. Sa kanyang Instagram photo nagkomento ang nasabing netizen tungkol sa suot niyang damit.

“Ganda ng outfit @gretchenbarretto buti na lang sa daddy ka nagmana sa body. kawawa ngayon ang laki ng mukha ni claudine,” anito.

Ito naman ang sagot ni Gretchen, “@rkgt.ocon I DO NOT APPRECIATE YOUR COMMENT… do not put anyone down while praising me.”

Maraming natuwa sa pagtatanggol ni Gretchen sa nakababatang kapatid. Totoo pa rin daw ang kasabihang, “Blood is thicker than water”. Ibig sabihin daw kaya nito ay handa nang makipagbati si Greta kay Claudine?

Kung matatandaan nagkaroon ng matinding away ang magkapatid nang pumanig si Gretchen kay Raymart Santiago noong kasagsagan ng legal battle ng aktor sa dati nitong asawang si Claudine. Simula noon hindi na nag-usap ang magsisteraka.

Kumampi rin kay Gretchen noon ang iba pa nilang kapatid, ang kanilang magulang na sina Inday at Miguel Barretto at kapatid na si Gia ang tanging kumampi kay Claudine.

Ngunit kamakailan lang ay nakipagbati na rin kay Claudine ang mga kapatid na sina JayJay at Michelle. Balitang patuloy naman ang “silent war” sa pagitan nina Gretchen at Marjorie.

Sa pagkakaalam namin hindi pa rin nagkakaayos si Gretchen at ang kanyang ina. Ilang taon na rin ang nakalipas nang tawaging sinungaling ni Mrs. Barretto si Greta dahil sa ginawa nitong pagtraydor sa bunso nilang kapatid.

 

Read more...