Benjamin, Julie Anne pinakilig ang netizens

ONCE again, pinamalas muli ni Benjamin Alves ang husay niya sa pagsusulat ng tula. In-upload niya kasi recently ang isang tula tungkol sa pagmamahal.

Ang reaksyon ng ilan sa kanyang followers, wala pa ring kupas ang talento ni Ben sa pagsusulat. “Simply beautiful” ang madalas naming makitang comments ng masa sa naturang post na ito ni Ben.

Pero mas kinilig ang kanyang followers nang nag-tweet ito ng mga katagang, “I miss you. Can we go on a date this weekend?” Sabay tag sa Twitter handle ni Julie Anne San Jose na @myjaps. Hindi naman nabigo ang binata dahil agad siyang sinagot ni Julie ng, “okay. Miss you too, feel better.”

Siyempre pa, kilig-to-the-bones na naman ang fans ng dalawang Kapuso stars. Walang kaduda-duda kung sino ang inspirasyon ni Ben para makagawa ng magagandang tula.

Read more...