Cherrie Pie mas bata ang bagong dyowa, pero ayaw nang mabuntis

BLESSED na blessed ang aktres na si Cherrie Pie Picache both sa kanyang personal life at career. Hindi maitago ang pagiging proud mom ni Cherrie Pie kapag napapag-usapan ang kanyang 15-year old son na tennis player sa Ateneo University at member ng National Team.

“I’m very happy with him. I’m very happy with work. Tapos sa personal na buhay, masaya naman,” tsika ni Cherrie Pie sa amin sa presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Bukod sa kanyang anak, happy din ang lovelife ng aktres pero madiin niyang sinabi na walang “label” ang kanyang relasyon sa isang non-showbiz guy at mas bata sa kanya, “Date-date lang. Millennial tayo, walang label. Wala ring time frame. Wow!” kasunod ang malakas na tawa ni Cherrie Pie.

Bagaman wala raw label ang kanilang relasyon, seryoso at hindi naman daw sila naglolokohan, “Oo, exclusively dating kami,” pagde-describe pa ni Ms. Pie sa kanyang karelasyon.

Biniro tuloy siya ng mga long-time entertainment writers/friends na parang si Bea Alonzo o Bela Padilla ang kausap namin na present din sa FDCP launch ng 12 entries na kasali sa PPP.

“Hindi ba? Ha-hahaha! Tinapatan sa iksi ng damit ngayon!” biro pa ni Cherrie Pie na naka-mini dress that time.

But when asked kung may plano ba silang magpakasal gaya ng ibang showbiz couples na mas “mature” ‘yung female celebrity sa pakakasalan nila, “Parang, ayoko na. Millennial nga, e. Hindi, mahirap, e. May anak ako. ‘Yun ang priority ko.”

Although, pwede naman daw dahil binata ‘yung guy, “Oo, pwede naman. Pero hindi naman ganoon kabata. Hindi naman nalalayo ang age. Sarap! Ha-hahaha!”

Sarado na rin ang isip ni Cherrie Pie na magkaroon ulit ng anak. Ayaw na raw niya even she has the money to pay for an “artificial pregnancy” or through a surrogate mother, “I have respect sa mga naga-articificial. Kanya-kanya ‘yan. Pero sa akin, oo, Hindi na. tama na,” dagdag niya.

Thankful din si Cherrie Pie na hindi lang ang personal life niya ang masaya kundi pati na ang kanyang showbiz career.

Magsisimula siya ng bagong teleserye sa Kapamilya network with Julia Montes, Paulo Avelino, JC santos, Nonie Buencamino, Agot Isidro and Lorna Tolentino titled Visions of Love sa direksyon ni Onat Diaz.

Bukod pa rito ang isa pa niyang serye again with Paulo Avelino and Ritz Azul, ang The Promise Of Forever.

“Hindi namin alam kung kailan ang airing, e. Pero ang tagal na naming tapos ‘yun. Naipit nga ako, e,” natatawa niyang sabi.

Ang ibig niyang sabihin, one year and a half na raw niyang ginagawa ‘yung The Promise Of Forever at habang hinihintay kung kailan eere ang teleserye ay nakatengga muna siya. At pa-guest-guest sa ibang shows ng ABS-CBN. “Korek. Tengga,” sambit niya. “But at least naman, it gave me time for my son.”

During this time, sumasama siya sa kanyang anak sa mga tournament nito sa tennis.

Samantala, very happy din si Cherrie Pie sa success ng pelikula niya na “Pauwi Na” directed by Paolo Villaluna na napili as one of the 12 entries sa PPP.

Bawat kasaling pelikula sa PPP ay may allotted na 60 out of the 700 theaters nationwide sa pakikipagtulungan ng theater owners sa bansa with the FDCP bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa buwan ng Agosto mula 16 hanggang 22.

Read more...