Katapusan ng ‘endo’ hinahanapan ng tugon | Bandera

Katapusan ng ‘endo’ hinahanapan ng tugon

Liza Soriano - July 08, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon line.  Tawagin ninyo na lamang akong Carla, taga Bacoor, Cavite. Ako po ay isang sales lady sa isang mala-king mall dito sa amin sa Bacoor, Cavite.  May apat na beses na rin po akong nagpalipat-lipat ng mall dahil laging five  months lang ang kontrata ko.

Gusto na po sanang maging regular sa trabaho.  Kelan po ba mawawakasan ang endo o contractualization?   Sana  ay masagot ninyo ang aking katanungan.  Salamat po.

Carla,
Bacoor, Cavite

REPLY: Para sa iyong katanunga Ms Carla, sa ngayon ay mas pinaigting ng  Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya nito upang wakasan na  ang ilegal na uri ng kontraktuwalisas-yon at ipatupad ang pagsunod sa labor standards.

Dahil dito, patuloy ang ginagawang pagtanggap ng kagawaran  ng mga bagong labor laws compliance officers na siyang susubaybay sa mga employers na hindi sumusunod sa labor laws.

Aprubado na ng Department of Budget and Management ang kahili-ngan ng DOLE na magkaroon ng mga bagong tauhan na daragdag sa kasalukuyang 525 LLCO na nakadestino sa buong bansa.

Ang  36 na bagong puwesto para sa LLCO ay mapupunan na rin upang umagapay sa hanay ng mga compliance officer na nakadestino sa ibang mga lugar kung saan mataas ang antas ng hindi pagsunod sa labor laws at standards.

Ang bagong mga posisyong ito ang magpapalakas sa ating hanay upang makapagsagawa ng assessment at inspeksyon sa mga negosyo at establisimento sa bansa, partikular sa pagsunod sa Department Order No. 174.

Ang  mga bagong puwesto na mayroong pondong P15 milyon, ay mapalalakas na ng husto sa oras na maisumite ng kagawaran sa Kongreso ang kahilingan nito para sa karagdagang 200 LLCO item upang mas epektibong makapagsagawa ng assessment at inspeksyon sa tinatayang nasa 937,554 na small, medium at malalaking negosyo at establisimento sa bansa.

Liban pa sa pagtupad sa tungkulin kaugnay sa DO 174, ang mga LLCO ay inaasahang magsagawa ng ‘plant-level joint assessment of compliance by employer and workers representative’; luminang ng kamalayan at kapasidad ng mga employer at manggagawa, maging ng mga unyon sa pamamagitan ng DOLE #Engage+Motivate+Achieve o #EMA toolkit; at magbigay ng libreng technical assistance para sa pagsunod sa technical safety at occupational safety and health standards (OSHS).

Ang mga LLCO ay mayroong mandato na tiyakin ang boluntaryong pagsunod ng mga establisimento sa pamamagitan ng Incentivizing Compliance Program (ICP); at tumulong na linangin ang ‘plant-level partnership mechanism’ tulad ng mga Labor Management Committee (LMC) o iba pang workplace cooperation at partnership structure sa pamamagitan rin ng pagkakaroon ng mga sub-committee para sa OSHS.

Iyan, Miss Carla ang tugon ng Labor Communications Office ng DOLE. Sa tanong mo kung kailan mawawakasan ang contractualization at kung kailan ka mareregular  ay hindi pa siguro nila kayang masagot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

qqq
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending