HINDI nakatiis si Angel Locsin at talagang sinagot niya ang isa niyang social media follower na nang-okray sa kanyang rumored boyfriend na si Neil Arce.
Duda kasi ang nasabing netizen sa tunay na motibo ng film producer sa pakikipagmabutihan kay Angel. In fairness, concern lang naman ang tagahanga ng Kapamilya actress kaya medyo may kanegahan ang komento nito tungkol kay Neil.
Kung matatandaan, nag-post si Angel sa Instagram ng collage ng mga litrato niya na kuha sa iba’t ibang teleserye at pelikula na ginawa niya at dito nga nakapag-comment si Neil ng, “There will never be anyone like you.”
Isang follower nga ni Angel ang nagsabi na huwag magpaloko ang dalaga kay Neil, dahil kung totoong mahal at nirerespeto siya nito bakit daw hindi pa rin nito binubura ang kanyang mga Instagram post tungkol sa ex-girlfriend niyang si Bela Padilla.
“What’s so sweet of a man who doesn’t delete his sweet ig posts of his ex Bella Padilla?” sey nito.
Pinayuhan pa niya na huwag na huwag makikipagrelasyon sa tulad ni Neil, “Don’t settle for someone just because you’re comfortable with him. You deserve way better than that.”
Dito na sumagot si Angel at pinagsabihan ang kanyang tagahanga, “OK. Can you help me understand why you think that was an appropriate thing to say? And why you think I’ll let you say things like that about Neil, especially on my page?
“Neil is a good person. Wag nyong gawan ng issue yung tao pls,” dugtong pa ng Kapamilya actress.
Sagot naman ng concern netizen, ayaw niya lang masaktan muli si Angel at gusto lang niyang maging happy ang aktres at huwag nang masaktan uli sa larangan sa pag-ibig.