Kontrobersiyal na gov’t exec patuloy pa rin ang mga raket

DA who ang opisyal na ipinagmalaki pa ng kanyang boss na patuloy pa rin ang kanyang mga raket sa kabila ng pagiging isa nang mataas na opisyal ng pamahalaan?

Kamakailan, ipinagtanggol pa ng opisyal ang kanyang subordinate dahil feeling ng huli ay isa pa siyang pribadong indibidwal kung umasta.

Ibinuko pa ng opisyal ang kapwa niya kontrobersiyal na government executive sa pagsasabing sa kabila ng kanyang posisyon ay patuloy pa rin ang iba’t ibang sideline nito.

Alam kaya pareho ng dalawang opisyal na kapag nakaupo ka na sa gobyerno, bawal na ang pagraket sa iba?

Dapat itong silipin ng Civil Service Commission (CSC) at maging ng Office of the Ombudsman dahil maliwanag na double compensation na ito kung totoo mang patuloy pa ring rumaraket ang gov’t exec sa kabila ng kanyang katungkulan.

Gusto n’yo ba ng clue? Balak pang itolerate ng kanyang boss ang ginagawa ng kontrobersiyal na gov’t exec sa pamamagitan ng pagkuha ng sasala sa mga ginagawa ng huli.

Ang malala pa nito, baka ang sariling buwis pa na ibinabayad ng mga ordinaryong Pinoy ang pagkukuhanan ng ipapasweldo sa kukuhaning adviser ng gov’t exec.

Hindi nyo na kailangan ang clue dahil parehong kontrobersiyal ang boss at kanyang subordinate.

***

Dapat nang magpakatotoo ng gobyerno sa ipinagmamalaki nitong FOI website dahil taliwas sa mga pahayag na madali nang kumuha ng mga dokumento sa gobyerno, mas mahirap pa kumpara noong nakaraang mga administrasyon.

Natapos ang unang anibersaryo ni Pangulong Duterte ay hindi nakapagbigay ang FOI website ng kanyang accomplishment sa buong isang taon ng panunungkulan ng presidente.

Kung tutuusin positibo pa ito dahil mga achievement ang mga hinihinging dokumento sa Presidential Management Staff (PMS) na siyang nakatalaga para sa accomplishment report ng pangulo.

Matapos magsumite ng aplikasyon sa FOI website, nag-abiso ang PMS na Hulyo 7, 2017 pa makakapagbigay ng feedback, bagamat hindi pa tiyak kung magbibigay ng dokumento.

Bukod sa walang urgency ang mga humahawak sa FOI website, hindi rin nakakatulong para patunayan ng gobyerno na may transparency sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang mas malala pa rito ay nang i-deny ng FOI website ang aplikasyon para sa ginastos, benepisyo at iba pang datos sa 21 foreign trips ng presidente.

Ang tanong may itinatago ba sa laki ng gastos dahil panay ang junket ng maraming opisyal kahit hindi naman sila kasama sa opisyal na delegasyon?

Ano pa ang silbi ng FOI website kung hindi naman ito mapapakinabangan?

Dapat magpakatotoo na ang Malacañang na mas mahirap ang pagkuha ng mga dokumento ngayong may FOI website na.

Read more...