Gil feel na feel ang pagmamahal ng mga Pinoy

NA-FEEL ng Kapuso hunk na si Gil Cuerva sa ginanap na GMA Artist Center Fans’ Day kamakailan ang matinding suporta sa kanya ng mga fans.

Kahit na raw nakailang beses na siyang lumibot sa mga mall shows at regional events para sa serye nila ni Jennylyn Mercado sa GMA na My Love From The Star, kakaiba pa rin ang feeling niya nang makasalamuha up close and personal ang mga tagasuporta niya sa Fans’ Day.

“Sobrang thankful talaga na ang lakas ng support na galing sa mga fans. Before ako nag-enter sa showbiz, hindi ko in-expect na ganito pala kalakas ang magiging support sa akin, lalong-lalo na baguhan pa lang ako. Unexpected, but at the same time ay very much appreciated,” kuwento pa ni Gil.

In fairness, hindi makikitaan ng pagkapagod ang binata habang nakikipag-bonding sa fans kaya naman puro papuri ang isinukli sa kanya ng mga sumugod sa Fans Day.

Actually, ‘yan din ang kinabibiliban ni Jennylyn sa kanyang leading man, kaya ang saya-saya at ang sarap-sarap daw laging magtrabaho. Pinuri rin ni Jen si Gil dahil sa napakabilis na pag-level up ng kanyang performance sa My Love From The Star na napapanood pa rin gabi-gabi sa GMA Telebabad after Mulawin vs Ravena.

Read more...