Magdyowang celebrity niloko ang mga ex: Bagay nga sila!

MATARAY na sabi ng isang nakausap naming source, “Walang lihim na hindi nabubulgar! Parang bagoong lang ‘yan na kahit i-tape mo pa nang ilang ulit ang bote, e, mangangamoy at mangangamoy pa rin!”

Hindi lang daw sigurado kung kailan, pero ang tiyak ay mambubulaga rin ang katotohanan, dahil wala ngang lihim na hindi nalalantad.

Sabi pa ng aming source, “Kita n’yo, matagal bago nabuking ang totoong nangyari sa lovelife ng isang female personality, di ba? Sige-sige sila ng boyfriend niya sa kapi-PDA, pero ano ang nangyari?

“Nabuking na two-timer pala siya! Sila pa pala ng boyfriend niya, e, nakipagmabutihan na siya sa boyfriend niya ngayon!” bigay na bigay na ang clue ng aming impormante kung sino ang bumibida sa kanyang kuwento.

Matagal nang usap-usapan na hindi pa sila nagkakahiwalay ng kanyang karelasyong aktor ay pumasok na sa panibagong relasyon ang nagpapaseksing personalidad.

“Pero panay-panay ang pagdedenay niya, di ba? Malinis na raw ang kartada niya nu’ng maging sila ng boyfriend niya. Nang-brainwash siya ng marami na wala na talaga sila ng guy, pero ‘yun pala, e, sila pa!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Hindi na lang kasi siya nagpakatotoo, kung anu-ano pang kaechusan ang pinagsasabi niya, kaya ayan, bukelya tuloy siya ngayon!

“They deserve each other talaga. Pareho lang sila ng guy na panay-panay ang pagsasabing wala siyang nasaktan at nasagasaan, pero sabi naman ng kampo ng ex niya, e, hindi pa sila officially break ng girl nu’n!

“Ano ‘yun? Nag-ungguyan lang silang dalawa? Pinaniwalaan lang nila ang mga lies nila? Nakakaloka sila, super-nakakaloka ang relasyon nila!” pagtatapos ng aming source.

Ano ba, Bradly Guevarra (nagdedeliryo ka pa raw ba, tanong ni Japs Gersin?) at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, carry n’yo na kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito!

Read more...