Sa ibang bansa makapag-aasawa (2)

Sulat mula kay Jenny ng Mangagoy, Bislis, Surigao del Sur
Problema:
1. Ako ay isang lady guard at maganda naman ang aking suweldo. Kaya lang marami na akong kasamahan na sa abroad nagtrabaho. At inaaya nila akong sumama sa kanila para mas mabilis daw akong makaipon ng pera at mapagawa ko ang lumang bahay namin sa probinsya. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may maganda kaya akong future sa abroad bilang isang lady guard?
2. At ang isa pang ihihingi ko sa inyo ng payo at tungkol sa love life 31 na ang edad ko sa ngayon pero wala pa rin akong boyfriend at kinakabahan na din ako na baka ako ay tumandang dalaga na lang habang buhay. Magkaka-boyfriend at makapag-aasawa pa kaya ako? Kung Oo ang sagot kailan at saan ko makikilala ang lalaking makakasama ko habang buhay? August 28, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Jenny Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing kahit na 31 na ang edad mo sa ngayon sa sandaling nakapag-abroad ka, doon mo na rin makikilala ang una at huling lalaking magiging boyfriend mo na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing hindi ka lang sa career susuwertehin sa abroad bagkus sa ibayong dagat papalarin ka rin sa larangan ng pakikipag-relasyon at pag-ibig.
Luscher Color Test:
Upang laging mapanatili ang magandang kapalaran kahit na nasaang lugar ka, ugaliing magsuot ng kulay na silver, dilaw, gray at asul. Ang nasabing mga kulay ang hahatak ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod pang mga taon ng iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Jenny ayon sa iyong kapalaran nakaayos na ang lahat ng magaganap. Kung saan, kaya ka pinipilit o hinihikayat ng iyong mga kaibigan na mag-abroad ay upang matupad ang nakatakda, kung saan ayon sa iyong tadhanan nakatakda ng sa ibang bansa, isang lalaking may initial na R.U. ang iyong makikilala, iibigin ka nya ng tapat at totohanan na sa bandang huli siya na rin ang nakatakda mong makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...