Alessandra, Empoy pinaiyak ang mga Japanese sa Osaka filmfest

IBINALITA ng isa sa producer ng Spring Films na si Piolo Pascual na kasama sana ang pelikula nilang “Kita Kita” sa nakaraang 2016 Metro Manila Film Festival, pero umurong sila.

“We pulled out even if we paid the registration, because we decided na mas pagandahin pa ‘yung pelikula. There’s a deadline di ba, hinabol namin ang deadline but we decided last minute na ayusin na lang muna ang pelikula, huwag i-risk, instead, we had the world premiere at the Osaka Film Festival last March 2017.

“Maganda ang response kasi, si direk Sig (Sigrid Andrea Bernardo, director ng movie) has a following in Japan so ‘yung Filipino films were screened so doon kami sa world premiere. And for international filmfest, mayroon naman kami next,” paliwanag ni Piolo sa grand presscon ng “Kita Kita.”

Si direk Sigrid din pala ang sumulat ng “Kita Kita” tulad ng dalawa niyang pelikulang “Ang Huling Cha Cha ni Anita” at “Lorna.”

Paano binuo ng direktor ang kuwento ng “Kita Kita”, sino ang peg niya? “Ito kasi ibinigay sa akin ‘yung dalawang artista (Alessandra de Rossi at Empoy Marquez), kumbaga, it’s a commissioned work talaga na make a film about this two actors.

“May ibinigay naman sila sa aking script, medyo hindi ko style, so for two days inisip ko kung gagawin ko o hindi. So ginawa ko ‘yung script at nagustuhan naman nila.

“Nagulat din ako na tumaya din sila sa ganu’ng concept kasi hindi ko rin ini-expect kasi nga may ibinigay sila sa aking script na malayung-malayo sa ngayon, iba talaga. Kasama talaga sa kuwento ang Japan,” sabi pa ng lady director.

At dahil hindi kilala ni direk Sigrid si Empoy kaya nag-research siya tungkol sa komedyante, “Ni research ko talaga siya. Kasi si Alex kilala ko na, though naghanap din ako ng videos niya at hinanap ko kung ano ang common denominator nila, may sense of humor silang pareho na hindi nakikita.

“Si Alex kasi as a person, may sense of humor siya. Actually, mas nakakatawa siya kaysa kay Empoy. Pareho silang may hirit, pero mas iba si Alex. Iyon ang nakita kong personality nilang dalawa na puwedeng mag-work out,” kuwento ng direktor.

At dahil na-exhibit na ito sa Osaka Film Festival ay ano naman ang naging reaksyon ng crowd, “Nag-iiyakan sila. Kasi ‘yung time ng ‘Cha Cha ni Anita’, nasanay na ako sa reaksyon nila. After the screening, mayroong autograph signing at lahat sila may translator pa at umiiyak silang lahat kaya nakaka-touch.”

Mapapanood ang “Kita Kita” sa Hulyo 19 nationwide mula sa Spring Films.

Read more...