I Heart Davao pinusuan agad ng mga Pinoy

UNANG gabi pa lang ay pinusuan na ng viewers at netizens ang bagong primetime series ng GMA Network na I Heart Davao dahil bukod sa wagi sa ratings ay pinag-usapan pa sa social media ang pilot episode nito noong June 26.

Tinalo ng I Heart Davao ang katapat nitong programa dahil nakakuha ito ng 7.4% people ratings habang ang katapat nitong show ay nakapagtala ng 6.2% base sa TAM’s Urban Philippines people data.

Ang kauna-unahang romantic-comedy series na kinunan sa Davao ay pinagbibidahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, kasama si Benjamin Alves. Samantala, ang hashtag naman ng show na #iHeartDavaoPilot ay isa mga top trending topics sa Pilipinas noong Lunes.

Ipinagdiwang ng fans ng real at reel life couple na sina Carla at Tom ang kanilang pagbabalik-serye. Gabi-gabi nga raw nilang aabangan ang kilig at katatawanang handog ng aso’t-pusang paghaharap ng karakter ng TomCar na sina Ponce at Hope.

Read more...