‘Ang Sikreto Ng Piso’ ihahabol sa MMFF 2017

IPINAGDARASAL ng produksyon at cast members ng family-oriented comedy at historical film na “Ang Sikreto Ng Piso” na makapasok ang kanilang proyekto sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ang pelikulang “Ang Sikreto Ng Piso” ay sinulat at ididirek ng stage, TV and film actor turned director na si Perry Escaño. Siya rin ang nagdirek ng isa sa mga finalist sa main competition ng 13th Cinemalaya Film Festival, ang indie film na “Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.”

Pagbibidahan ng actor-politician na si Alfred Vargas ang “Sikreto Ng Piso” na siyang gaganap na Ronnie, isang asawa at ama na ang tanging pangarap lang ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Dahil sa kagustuhang kumita ng extra, sumabak si Ronnie sa isang kakaibang side-job – ang pangongolekta ng maraming piso. Ngunit huli na nang malaman niyang ang mga piso pala na kinokolekta niya ay ini-smuggle pala sa ibang bansa.

“We are hopeful to get a slot to this year’s MMFF with this comedy movie. It’s our gift for all Filipino families during Christmas season,” ani Direk Perry.

Hindi pa napa-finalize ang final na listahan ng cast, kasalukuyan pa ring nakikipag-negotiate ang mga taga-MPJ Entertainment Productions at JPP Entertainment (na pag-aari ng beauty queen at fashion designer na si Joyce Pena Pilarsky na kasali rin sa pelikula) para sa iba pang major roles sa movie.

Kabilang na riyan sina Joey Marquez, Wendell Ramos at Long Mejia.

Balak din ng mga producer na kunin sina McCoy de Leon, bilang kapatid ni Alfred sa pelikula at si Elisse Joson bilang anak naman ni Joey Marquez na siyang magbibigay ng com.

Umaasa rin sina direk Perry na tatanggapin ni Judy Ann Santos ang papel bilang asawa ni Alfred sa pelikula dahil naniniwala sila na bagay na bagay kay Juday ang role at tiyak daw na matsa-challenge ang aktres sa proyekto.

“Actually, may negotiation ngayon kay Juday, eh. So, hopeful kami na sana ay tanggapin. Pero ipinararating ko kay Ms. Judy Ann na siya talaga, siya talaga ang first choice namin dito,” ani Perry.

Kumpirmado nang kasali sa cast sina Paul Sy (napapanood sa sitcom na Home Sweetie Home), Lou Veloso, Andoy Ranay, Akihiro Blanco, Beverly Salviejo at Ernie Garcia.

Magsisimula nang mag-shooting ang production very soon para umabot ang finished copy ng movie sa deadline ng MMFF 2017.

Read more...