34 Pinoy namamatay sa aksidente sa kalsada araw-araw

Umaabot sa 34 Filipino ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente sa kalsada.
Kaya naman ipinatawag ng House committee on transportation and communication ang Land Transportation Office upang malaman kung ano ang kanilang ginagawa para maalis sa kalsada ang mga pasaway na driver na sanhi nito at ang mga sasakyan na hindi na angkop ibiyahe.
“Do we really value the lives of our people or are we treating them as mere death statistics?” tanong si Sarmiento.
Sa ulat ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police, nakapagtala ng 13,032 aksidente sa kalsada mula Enero hanggang Mayo 2017.
Sa bilang na ito, 906 ay dahil sa depektibong sasakyan, 990 ang dahil sa kondisyon ng kalsada at 11,136 ay kasalanan ng driver.
Sinabi ni Sarmiento na nakasalalay sa LTO kung makapapasa sa vehicle inspection ang isang sasakyan kaya dapat higpitan nila ito ang pagbibigay ng rehistro. Nasa LTO rin kung bibigyan ng lisensya ang isang driver.
Sinabi ni LTO Chief Assistant Sec. Edgar Galvante na kasalukuyang nirerebisa nila ang written at practical exam na ibinibigay sa mga kumukuha ng lisensya.
Bibili rin umano ang LTO ng motor vehicle inspection systems dahil iisa lamang ang kanilang nagagamit.
“But we are in the process of procuring mobile MVIS, which will then be distributed to different regions,” ani Galvante.
Sinabi naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na dapat ang kuning inspektor ng LTO ay ang mga tao na may alam sa makina na nakakaalam kung angkop pang tumakbo sa kalsada ang isang sasakyan o hindi.
Ayon kay Galvante ang kanilang mga inspektor ay hindi mga mekaniko pero sumailalim umano sa training.

Read more...