P111M jackpot ng Ultra Lotto sa Biyernes

Inaasahang aabot sa P111 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa P107.7 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola noong Martes ng gabi.
Ang lumabas na winning number combination ay 46-57-38-34-43-10. Umabot sa P16.4 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng P280,000 ang isang mananaya na nakalimang numero.
Tig-P3,510 naman ang 187 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 5,142 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...