Rich Asuncion natakot sa sukob, biglang kinansel ang kasal

Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion

SUKOB! Hindi na muna matutuloy ang kasal ni Rich Asuncion sa kanyang rugby player boyfriend na si Benjamin Mudie ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ng Kapuso actress nang makachika namin sa taping ng afternoon series na Ika-6 Na Utos ng GMA 7 after Eat Bulaga. Sey ni Rich, magpapakasal na raw kasi this year ang isa niyang kapatid kaya baka sa 2018 na ang wedding nila ni Benjamin.

“So, yung wedding muna ng kapatid ko, naunahan ako, baka masukob kami. December daw sila, e, now lang na-finalize. Pero okay lang. Hindi naman kami nagmamadali ni Benj. Ang plan lang talaga this year is civil muna,” paliwanag ni Rich nang sandali siyang makapanayam ng ilang members ng press sa set ng Ika-6 Na Utos.

Nagbago na rin ang una nilang plano ng kanyang Australian boyfriend na gawin ang civil wedding nila sa Japan, “Hindi na sa Japan kasi kailangan yata resident ka or something.

“Dapat sana Australia, sa December. E, yun nga, yung kapatid ko muna. Siguro mamu-move ng konti lang naman,” chika ng dalaga. Bukod sa civil wedding, plano rin nina Rich at Benjamin na magkaroon ng church wedding sa Bohol.

Natanong naman namin si Rich kung ano ang masasabi niya tungkol sa isyu ng pagtataksil, kabitan at ahasan, na siyang tema ng serye nilang Ika-6 Na Utos. Siya ang gumaganap na Flor sa kuwento, ang best friend ni Sunshine Dizon (bilang Emma) at kapatid ni Mike Tan.

Sey ng aktres, hindi niya kinokondena ang mga kabit pero alam niyang maraming pamilya ang nasisira dahil sa pagloloko ng mga mister o ng mga misis. Kaya ang sunod naming tanong sa kanya, hindi ba siya na-discourage magpakasal?

“Hindi naman. Parang ramdam ko naman na parang disenteng tao si Ben.Wala naman akong nararamdaman so far.

“Sana naman, of course, we hope for the best. Pero andun na tayo siyempre na relationship, effort ‘yan. Inaano ko rin yung talagang mag-stay siya sa akin, I do my best to serve him, charing!” chika pa ni Rich.

 

Read more...