May edad nang female celebrity mareklamo, napakahirap katrabaho | Bandera

May edad nang female celebrity mareklamo, napakahirap katrabaho

Cristy Fermin - June 26, 2017 - 12:15 AM

MAY kani-kanyang kuwento ang mga dating nakatrabaho ng isang kilalang babaeng personalidad ng telebisyon. May nakakaaliw, may nakakainis, hinding-hindi siya makakalimutan ng mga taong dati’y nagserbisyo sa kanya.

Kung may mga artistang may sariling mundo ay ganu’n din sa linyang ki-nabibilangan ng female personality na ito. Siya ang na-ngunguna, mahirap siyang pakibagayan, dahil kakaibang-kakaiba ang mga kadramahan sa buhay ng lola n’yo.

Kuwento ng isang da-ting staff ng female perso-nality, “Naku, makakasundo mo ang isang babaeng BIR (read: Babaeng Inurungan Ng Regla) na, pero ang isang ‘yun, grabe! Marami siyang kaartehan sa buhay, mahirap siyang katrabaho!

“Ang dami-dami niyang hinahanap, sobrang dami siyang inirereklamo, wala siyang contentment sa buhay. Maayos na ang lahat, pero hahanapan pa rin niya ‘yun ng butas, makapag-inarte lang siya!

“Ganu’n siya katindi nu’n, pero lalo na siguro ngayon, dahil mas nadagdagan na ang age niya!” si-mulang sultada ng aming source.

Siya ang female perso-nality na kapag nagpupunta sa ibang bansa ay mahilig mag-shopping ng kanyang mga damit at sapatos. Pustoryosa kasi ang lola n’yo.

“Pero ang nakakaloka, e, aabonohan lang niya ‘yun, hindi niya tinatanggal ang etiketa at presyo, pinababayaran niyang lahat ‘yun sa production! Yes, sagot ng network ang mga pangporma niyang dress at shoes!

“Madame Curie kasi siya, as in, kuring! Kahit nga isang tasa ng kape na ipi-nabili niya sa PA niya, e, si-nisingil pa rin niya sa production. Ganu’n siya katindi!” pa-promise-promise pang kuwento ng aming impormante.

Malaki ang budget ng kanyang programa dahil hindi siya pumapayag na mag-taping sa malalayong lugar na hindi camper ang ginagamit niya sa location.

“Hindi papayag ang lola n’yo sa basta van lang, kailangang may bed, CR at kung anu-ano pa ang gagamitin niyang waiting area. Ganu’n siya kaarte, kaya malaki ang gastos ng show niya.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya, araw-araw n’yo siyang napapanood sa TV, pero hindi n’yo naman siya nakikita nang maghapon, as in, twenty four hours,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending