PINAYUHAN ng Color
“Nagpapasalamat ako hindi lang sa mga Pilipino at pati na rin sa mga Amerikano at mga Negro,” ani Dionisia, na pinalakpakan at may mga nagtawanan.
“She can be forgiven as she appeared to have been disoriented when she used the word ‘negro’ but someone with basic understanding about the proper use of addressing color people in the United States should educate Madame (Aling Dionisia) Pacquiao,” ani Rodney Surat Whiterspoon, civil rights activist at tagapagsalita ng CPAC.
Oo nga naman. Masama sa Kano ang salitang negro. Tama, di dapat banggitin ito kapag ikaw’y nasa Amerika o sa mararangal na pagtitipon sa labas ng Tate.
Sori. Di masama sa Pinas ang salitang negro. May kumitang pelikula nga na ang titulo ay “Boy Negro.” Ang pinakamatagal na naluklok na mayor ng Pasig ay binansagang negro, pero di ito ininda ni Emiliano Caruncho. Ang mga negro ng Cainta ay mga maglalatik at meron pa tayong ipinagmamaki sa buong mundo na Cerveza Negra.
Ang negro sa kultura ng Pinoy ay simpleng kulay lamang at wala tayong iniuugnay na malisya at mapang-aliping nakalipas.
Kung masama rin ang salitang “black” sa Kano (colored [?] people ang tawag nila), sa Pinoy, sinasamba ito, bilang “Black Nazarene.”
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 111709