HINDING-HINDI namin malilimutan ang itsura noon ni Geoff Eigenmann
At ngayon nga, matapos ang maraming taon, isa na si Geoff sa maituturing na pinaka-in-demand na young actors – isa sa sinasabing pambatong matinee idol ng Kapuso network.
Sa isang casual na pakikipagkuwentuhan ng BANDERA kay Geoff, marami-rami rin kaming nalaman tungkol sa kanya, lalo na ang tungkol sa mga plano pa niya sa buhay.
BANDERA (B): Happy ka ba ngayon?
GEOFF EIGENMANN (GE): Yes, I’m very happy. Sa mga nangyayari ngayon sa career ko, sa family ko. I can say na masaya ako sa buhay ko ngayon.
B: Ano ang nagpapaligaya sa iyo?
GE: Siyempre, work, continuous ang trabaho ko sa GMA, may mga endorsements. So, sobrang busy ako and sobrang blessed. Aside from work, I’ve been very blessed these past years, so no time to complain. Kunyari pagod na pagod ka na from work, magpapasalamat ka pa rin dahil at least sa work ka napagod, hindi sa mga bagay na walang halaga. Basta enjoy lang talaga.
B: Kumusta naman ang lovelife mo? Masasabi mo bang masaya rin ang buhay-pag-ibig mo?
GE: Lovelife? It’s non-existent. I’m very much single right now. Sa ngayon, ang isa sa mga babaeng pinakamalapit sa akin is Carla (Abellana). We’re very, very good friends. In fact, we already consider ourselves as best friends kasi nga, araw-araw kaming magkasama, kung anu-ano ’yung napag-uusapan namin, so happy kaming dalawa.
B: Wala ka bang nililigawan ngayon?
GE: Wala, wala talaga. Very open naman ako diyan ever since. Kapag may gusto akong isang babae, sinasabi ko, hindi naman kailangang itago ‘yun, dapat pa nga maging proud tayo. But sa ngayon, wala pa talaga.
B: Hindi ba boring ang buhay kapag walang lovelife?
GE: Hindi naman. Kasi kapag single ka, doon mo naiisip yung sarili mo, e. It gives you a lot of time to think about yourself, so, hindi siya boring. And I can do everything that I want to, na wala akong iniisip na ibang bagay. Naka-focus ka lang talaga du’n sa mga bagay na meron ka ngayon.
B: Mapili ka ba sa babae?
GE: Ako, hindi ako mapili sa girls. All it takes is find one good thing about you, then ‘yun na, magugustuhan kita du’n sa mga bagay na nakikita ko sa iyo sa una pa lang. Kasi hindi mo naman talaga makikita lahat ‘yun sa isang tao, di ba? Iba’t iba naman ang qualities ng bawat isa sa atin. Yung mga past girlfriends ko, magkakaiba talaga sila, so wala namang pattern. Basta kapag nagustuhan kita, gusto kita.
B: May ideal girl ka ba?
GE: Siyempre, lahat naman tayo may ideal girl, ‘yung someone beautiful, smart, matalino, masarap kasama, mabait, seryoso sa buhay but can look at the lighter side of things.
B: Ano ang ideal age mo sa pagpapakasal?
GE: Marrying age? Gusto ko 28, before 30. Pero medyo mahirap isipin ‘yan sa ngayon, dahil sobrang busy nga tayo sa work, halos wala nang pahinga.
B: May dream wedding ka ba, o may naiisip ka na bang thee ng wedding para sa iyong magiging asawa?
GE: Wow! Before, when I was in a relatioship, siyempre naiisip ko yang mga ganyang bagay, now, wala hindi ko masyadong naiisip. Maybe, kapag nandiyan na siya sa tabi ko, sabay naming pag-uusapan kung ano ‘yung dream wedding niya. Kasi, sa atin, ‘yung gusto ng girl ang importante, e, sa kanya lang naka-base ‘yung magiging wedding n’yo talaga.
B: Ilan ang gusto mong maging anak?
GE: Hopefully, four, two girls, two boys. Para masaya. Mahilig din kasi ako sa mga bata, e. Masaya kapag may mga kids around.
B: Kapag hindi ka busy, saan mo inuubos ang time mo?
GE: Sa gym, I exercise as much as possible, boxing, swimming. Pero ngayon, with our schedule, medyo prohibited kami, kasi Rosalinda and SRO sabay na, e, so, halos everyday na talaga yung work namin ni Carla. So, puyat at pagod talaga, ilang oras lang ang itutulog mo, tapos diretso agad sa taping.
B: Anu-ano ang mga nami-miss mong gawin na hindi mo na nagagawa ngayon?
GE: Things I miss the most? Being with family, kasi ang madalas naming ginagawa, lalo na kapag wala kaming work, lumalabas kami, yayayain ko sila, ‘Tara, nood tayong movie’. Have dinner out. Marami kaming mga ganyan dati, ngayon wala na, very seldom na lang kaming nagkakasama-sama. lalo na ang mom (actress Gina Alajar) ko, madalas mangyari, kapag nasa bahay ako, may work siya, when she’s home naman, ako naman ang wala. So, I really miss those times na magkakasama kami, as in lahat kami. Kaya nga nu’ng malaman naming magkakasama kami sa isang show ng GMA, sabi ko, wow, at least kahit paano, magkakasama kami ni mommy ng matagal-tagal.
B: Vain ka ba?
GE: I don’t think so. Hindi naman masyado.
B: Kasi ang tingin talaga sa yo, ang linis-linis mo, ang bango-bango mo.
GE: Ligo lang. Pero wala akong masyadong ginagawa. I don’t really fix up. Usually, kapag lalabas ako ng bahay, wala ng ayos-ayos ‘yun, I just comb my hair, very simple ako, very laid back.
B: Ano ang sikreto mo, bakit mukha kang fresh lagi sa kabila ng pagod?
GE: Tulog lang talaga. Importante ang tulog sa mga artistang tulad ko. Tsaka, hindi ako natutulog ng hindi naghihilamos. Kasi siyempre, sa make-up, di ba? Kailangan tanggalin muna bago matulog. Moisturizer, kasi kailangan talaga ‘yung dahil exposed sa dirt yung mukha natin, everywhere we go.
B: Importante ba sa ‘yo ang virginity ng isang babae?
GE: Wow! Siguro mga 50 years ago. Hahaha! It’s a different world na kasi today. Siguro kung may ganu’ng tao, it’s a very big plus, kasi talagang she saved herself para sa taong talagang mahal niya. Kasi ngayon, hindi mo na iniisip yung mga ganu’ng bagay. Ang importante talaga ngayon in a relationship is communication and truly being honest with each other, kung totoo naman ’yung feelings n’yo, wala kayong tinatago sa isat isa, ‘yun ang mahalaga.
B: May times na ba na mismong mga babae na ang lumalapit sa iyo?
GE: Yeah, meron naman. Pero siyempre, ‘yung mga ganyan, it’s up to you na kung paano mo haharapin.
B: Ano yung pinakagrabeng ginawa ng isang girl sa iyo?
GE: Iba-iba, e. May instances na bigla na lang hahawakan ang mukha mo, tapos bigla kang hahalikan. Meron lalapit talaga to show her intention na gusto ka nila, that they want something from you. If I’m not really interested, siyempre, be respectful, decline na mabuti, ‘yung hindi naman lalabas na binabastos mo sila.
B: May mga dreams ka pa bang hindi mo natutupad?
GE: For me, now, start my own family, eventually, living on my own together with my future wife and kids.
—interview ni eas
BANDERA Entertainment, 111609