APEKTADO si Sunshine Dizon sa mga bashers ng teleseryeng Ika-6 Na Utos kaya naman hindi na niya binabasa ang mga comments ng mga ito sa social media.
Ang mahalaga raw, sabi ni Sunshine, patuloy na dumarami ang kanilang viewers at mas marami pa rin ang nagpo-post ng magagandang mensahe tungkol sa kanilang programa na tumatalakay sa buhay ng mga legal wife at mga kabit.
“To be honest, I turned off na…yung mga comments ng Instagram ko kasi medyo nakaka-stress din yung iba na bashers. Pero feeling ko troll lang, kasi walang number of following, so I don’t know kung sinong nag-aaksaya ng panahon!” natatawang chika ni Sunshine nang humarap sa ilang entertainment press pagkatapos makunan ang ilang eksena niya sa Ika-6 Na Utos.
Pero sey ng aktres, hindi raw niya hinahayaan na makaapekto sa trabaho niya ang mga atake ng bashers, “Sabi ko nga, our ratings will speak for itself. We just want to thank din yung talagang totoong viewers namin, avid viewers.
“Tsaka I guess, in this business, good comments, bad comments, at the end of the day, it’s still a comment. Mas delikado kung walang nagko-comment. Pinag-uusapan pa rin and we just want to thank the public, yung reception nila, patuloy pa rin yung suporta. Hindi pa rin sila nagsasawa sa amin,” pahayag pa ni Sunshine.
Actually, nabigla rin ang Kapuso actress nang matalo nila sa rating ang Eat Bulaga at It’s Showtime, ito ‘yung mga episode na sunud-sunod ang mga nakakalokang “fight scene” nila ni Ryza Cenon, ang gumaganap na kabit ni Gabby Concepcion sa serye.
Aniya, six weeks lang talaga ang Ika-6 Na Utos (nagsimula noong Dec. 5, 2016) ngunit na-extend na nga ito nang na-entend, “To be honest, I didn’t expect it to be this big kasi when we did the show, it was supposed to run only for six weeks. And then it got extended. Parang dark horse, parang, ‘Sige let’s do this show, let’s see how it works.’
“Sabi ko nga sa producer namin, hayaan mo na, let’s just do it the way we did it from the very start. If it gets extended, well then good. If it ends, it ends. Pero let’s give our hundred percent pa rin from day one until today. That’s what we’re doing,” sey pa ng aktres.
Sey pa ni Shine, naniniwala siya na dapat talaga malalaki at mga pasabog ang mga eksena nila nina Gabby at Ryza sa serye dahil, “Ang oras kasi natin is pwedeng natutulog si Manang, so kailangan parating malaki. And ito rin yung oras na nagpaplantsa si ate, naghuhugas ng plato, so talagang kailangan malaki para kahit hindi nila mapanood, naririnig nila.
“I think that’s a secret to a good drama or it’s the height and emotions na ‘Teka lang, I will stop everything for this,'” hirit pa ng aktres.
Bukod kay Ryza, magiging kontrabida na rin sa buhay ni Sunshine bilang si Emma, the legal wife, ang kaibigan niyang si Angelika dela Cruz. Ka-join pa rin dito sina Mike Tan, Rich Asuncion, Odette Khan at Daria Ramirez.