Hayden, Vicki pinatunayang may ‘forever’

HAYDEN KHO AT VICKI BELO

IKINASAL na nga nitong nakaraang Biyernes ng tanghali sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Ginanap ito sa kanilang bahay sa Dasmariñas Village sa pamamagitan ng civil ceremony, ang anak nilang si Scarlet Snow ang nagsilbing flower girl sa kanilang wedding.

Si Makati City Mayor Abby Binay ang nagkasal sa dalawa na pinasalamatan pa ni Dra. Belo sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Ipinost ni Dra. Belo ang isa sa mga litratong kuha sa kanilang civil wedding kung saan kasama nga nila si Mayor Binay na may caption na: “I was afraid that I would feel like I would lose my freedom by getting married. Instead I feel joyful and free. Thank you #mayorabbybinay for officiating our civil wedding.”

Maraming natuwa at bumati kina Mr. and Mrs. Hayden Kho nang kumalat na ang kanilang mga litrato sa social media.

Pinatunayan lang daw ng dalawa na may “forever” dahil sa kabila ng napakaraming pagsubok na dumating sa kanilang relasyon ay sa kasalan pa rin sila nauwi.

Samantala, wala sa okasyon ang mga anak ni Dra. Vicki na sina direk Quark Henares at Cristalle Henares-Pitt.

Agad naming tinext si direk Quark kung bakit wala siya sa kasal ng kanyang ina at ni Hayden. Agad naman niya kaming sinagot ng, “Nasa States ako Reggee.”

Baka sa nalalapit na church wedding nina Dra. Vicki at Hayden sa Paris, France dadalo ang magkapatid na Quark at Cristalle kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Read more...