2 taon relasyon daw nina Kris at Bistek ilusyon lang, malaking kabalbalan

ISANG malaking kabalbalan ang kuwentong kumalat na dalawang taon nang lihim na magkarelasyon sina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino. Napakalayo sa katotohanan ng istoryang ‘yun.

Para raw hindi sila pagpistahan ay sa ibang bansa pa sila nagkikita, nauuna raw umalis si Kris, at saka naman susunod si Mayor Bistek.

Kahit sa paluging halaga ay hindi namin bibilhin ang kalokohang kuwentong ‘yun. Siguradong paandar na naman ‘yan ng kampong walang magawa sa buhay para lang sila mapag-usapan.

Unang-una, kahit sa loob nang tatlong araw lang ay walang puwedeng ilihim si Kris Aquino, kung totoong dalawang taon na sila ng mayor ng Kyusi ay maitatago ba naman ‘yun ni Kris?

Susmaryosep! E, kung ‘yung magkikita nga lang sila ay covered na ng press release, ang dalawang taon pa ba nilang relasyon ang hindi mapagpipistahan?

Imposibleng nagkikita sila sa ibang bansa. Kung meron mang gustong sundan si Mayor Herbert, ‘yun ay ang kanyang mag-iina, si Mayora Tates Gana at ang kanilang mga anak na sina Athena at Harvey.

At suportado ‘yun ng mga pictures, magkakasama sila sa retrato, meron bang nailabas na picture si Kris na magkasama sila sa ibang bansa ng aktor-pulitiko?

Dalawang taon na relasyon, makakayang ilihim ni Kris Aquino, huwaaaawwww!!!!

Read more...