F2 Logistics, Foton palalawigin ang win streak sa PSL All-Filipino Conference | Bandera

F2 Logistics, Foton palalawigin ang win streak sa PSL All-Filipino Conference

Angelito Oredo - June 24, 2017 - 12:08 AM

Mga Laro Ngayon
(Batangas City Coliseum)
5 p.m. F2 Logistics vs Sta. Lucia
7 p.m. Foton vs Petron
Team Standings: Pool C – Foton (5-0); Cignal (4-1); Petron (3-2); Generika-Ayala (2-3) Pool D – F2 Logistics (3-2); Sta. Lucia 2-3); Cocolife (1-4); Cherrylume (0-5)

PILIT ipagpapatuloy ng defending champion F2 Logistics Cargo Movers at Foton Tornadoes ang kani-kanilang itinala na diretsong pagwawagi sa pagsagupa sa kapwa mapanganib na Sta. Lucia Lady Realtors at Petron Blaze Spikers sa 2017 Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference sa pagdayo ngayon sa Batangas City Coliseum.

Masusubok ang Cargo Movers na itataya ang itinalang tatlong sunod na panalo sa ganap na alas-5 ng hapon kontra sa patuloy na humuhusay na Lady Realtors bago ang salpukan ng Tornadoes na hangad iuwi ang ikaanim na sunod na panalo kontra Blaze Spikers sa ganap na alas-7 ng gabi.

Ipinamalas ng Cargo Movers ang itinatago nitong bangis sa huli nitong laro matapos turuan ng leksiyon ang baguhan na Cherrylume Iron Lady Warriors sa loob ng tatlong set, 25-5, 25-10, 25-11, upang ipadama ang kaseryosohan nito na mapanatili ang korona. Una nitong binigo ang Sta. Lucia bago ang Cocolife Asset Managers.

“Target talaga namin na makuha ang unang puwesto sa groupings dahil makakatapat namin ang mas mahinang koponan sa kabilang groupo,” sabi ni F2 Logistics coach Ramil De Jesus. “Pero siyempre, hindi dapat kumpiyansa dahil kaya nasa top group ang kalaban ay nakapanalo sila sa unang round.”

Bitbit ng Cargo Movers ang 3-2 panalo-talong kartada kung saan asam nitong mawalis ang lahat ng laro sa Group D para sa ikaapat na panalo matapos na makaagaw lamang ng isang panalo sa eliminasyon.
Gayunman, dalawang sunod na panalo rin ang naitala ng Lady Realtors matapos na biguin ang Asset Managers, 23-25, 25-17, 25-17, 25-17, at Iron Lady Warriors, 25-20, 21-25, 25-17, 25-16.

Huli naman umahon ang Foton sa dalawang set na pagkakaiwan bago tinalo sa matira-matibay na ikalimang set ang Generika-Ayala Lifesavers, 19-25, 20-25, 25-18, 25-15, 15-7.

Nabigo naman sa huli nitong laro ang Petron Blaze Spikers sa apat na set na salpukan kontra Cignal HD Spikers, 25-11, 23-25, 27-29 at 24-26.

Sasandigan muli ng Tornadoes ang miyembro ng national women’s team na si Jaja Santiago na nakatakda din na sumagupa sa AVC Asian Senior Women’s Championship at 29th Southeast Asian Games, na nagtala ng all-around performance sa 19 kills, limang aces at dalawang blocks para sa 26 puntos.

Una nang nagtala ng pinakamataas na iskor ang 6-foot-5 na si Santiago matapos na umiskor ng 35 puntos kontra sa Cherrylume noong Hunyo 13.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending