Kris, Bistek nagkabalikan na; pero bawal umamin

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

MAY netizen ang nag-post sa social media ng picture ng tatlong pari na pinatay noong panahon ng Kastila with Boy Abunda at tinawag nilang GOMBURZABUNDA.

Ipinakita sa Tonight With Boy Abunda ang naturang larawan nu’ng Lunes na petsa ng kaarawan ng ating national hero na si Jose Rizal.

In fairness, nag-swak ang name ng King of Talk sa name ng tatlong dakilang pari ng ating lahi. At sakto rin naman ang suot na damit ni Kuya Boy that night. Ayon sa stylist na si Ica, “barber’s dress” daw ang tawag doon na personal na binili ni Kuya Boy sa mamahaling Y3 dress shop sa New York.

Anyway, we tried to ask him regarding Kris Aquino at ang tungkol sa sinu-shoot nitong Hollywood movie. Ayon sa TV host, wala raw siyang alam tungkol dito.

Kaya hindi na rin namin pinush na tanungin pa kung true ba ang balitang nagkabalikan (for the nth time, huh!) sina Kris at Q.C. Mayor Herbert Bautista pero bawal pang umamin.

Sa recent presscon kasi ni Q.C. Vice-Mayor Joy Belmonte, may statement daw na binitiwan ang anak ng dating Mayor ng Kyusi na si Sonny Belmonte na tila “leading to a confirmation” na nagkabalikan nga ulit sina Kris at Mayor Bistek. True kaya ‘to?

Read more...