DAPAT ibigay ang tamang sahod ng mga employer sa kanilang mga manggagawa at sundin ang mga patakaran para sa Hunyo 26, Eid’l Fitr, isang regular holiday.
“Sa pakikiisa ng bansang Filipino sa pagdiriwang ng Pista ng Ramadhan ng mga Muslim, dapat sundin ng mga employer ang mga batas sa paggawa, partikular ang pagbibigay ng wastong sahod,”
Batay sa Proclamation No. 235 na inisyu ni Presidente Rodrigo R. Duterte, nagpalabas si Secretary SivestrevBello ng Labor Advisory No. 8, Series of 2017 na nagtatakda sa sumusunod na patakaran sa sahod para sa Lunes, Hunyo 26:
Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran siya ng 100% ng kanyang sahod para sa nasabing araw [(Arawang sahod + COLA)] x 100%];
Para sa trabahong ginampanan sa nasabing regular holiday, babayaran siya ng 200% ng kanyang sahod para sa nasabing araw para sa unang walong oras [(Arawang sahod + COLA) x 200%];
Para sa trabahong ginampanan ng higit sa walong oras (overtime work), babayaran siya ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw (Orasang kita ng arawang sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho);
Para sa trabahong ginampanan sa nasabing regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, babayaran siya ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod na 200% [(Arawang sahod + COLA) x 200%] + [30% (Arawang sahod x 200%)]; at
Para sa trabahong ginampanan na higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing regular holiday at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, babayaran siya ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita para sa nasabing araw (Orasang kita ng arawang sahod x 200% x 130% x 130% bilang ng oras na nagtrabaho).
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa DOLE Hotline 1349.
Labor
Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.