Coco dumalaw sa puntod ni FPJ, humiling ng gabay para sa remake ng ‘Ang Panday’

NAGBIGAY ng respeto si Coco Martin kay Da King Fernando Poe, Jr..

Pinuntahan ni Coco ang puntod ng yumaong FPJ para mag-alay ng dasal, bulaklak at himingi ng blessing niya dahil sisimulan na niya ang muling pagsasapelikula ng “Ang Panday.”

Yes, ang biggest project ni Coco ay ang iconic “Panday” movie ni FPJ kaya naman marami na ang nag-aabang dito.

Mas masusulit siguro ang happiness ni Coco kapag pumasok ito sa Metro Manila Film Festival this year.

Siguradong ikasisiya niya ito dahil naging tradisyon naman ang pagpapalabas ng “Ang Panday” sa MMFF na nag-start na rin ng shooting.

Read more...