Charice nagladlad, may bago na ring pangalan, bukas magpapalit na ng ari

NAKAKALOKA  ang mga kasunod na isyung kumakalat ngayon tungkol sa pagpapalit ng pangalan ng international singer na si Charice Pempengco. Kilala na siya ngayon sa pangalang Jake Zyrus.

Kung saanman niya kinuha ang bago niyang pangalan ay ang singer lang ang tanging nakakaalam, ang importante ay masaya siya sa kanyang ginawa, walang kahit magkanong makakatapat ‘yun sa puso ni Charice ngayon.

Pero talagang sutil ang mga kababayan nating nagbababad sa social media. Sinusundan nila ang buhay at career ni Charice.

Naglantad siya ng kanyang tunay na kasarian, nagpalit siya ng pa-ngalan, ano naman daw kaya ang magiging susunod na paandar ni Charice pagkatapos nu’n?

Sabi ng isang basher ng magaling na singer, “Nagawa na niya ang pagla-ladlad, nag-out na siya! Tapos ngayon, para siyang si Rustom Padilla na BB Gandanghari na ngayon. Ano naman ang susunod niyang pasabog?

“Alam na! Ang susu-nod niya namang isisigaw, e, magpapatuli na siya! Nagpapalit na rin pala siya ng ari niya nang wala tayong kaalam-alam!”

Nakakaloka, pinaglalaruan ngayon si Charice, kahit pa marami rin namang naging masaya sa pagpapalit niya ng pangalan dahil kalayaan daw ang pakahulugan nu’n.

Read more...