Anne-Gong Yoo movie kasado na?

SIGURADONG todo-dasal ngayon si Anne Curtis na matuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ng Korean superstar na si Gong Yoo, ang bida sa pelikulang “Train To Busan” at Koreanovelang Goblin.

Kalat na kasi ang balitang nagpunta kamakailan sa Korea si Boss Vic del Rosario ng Viva Films para i-finalize na ang possible collaboration nina Anne at Gong Yoo sa isang bonggang movie.

Hindi man pinangalanan ni Boss Vic ang tinutukoy niyang Korean actor na sikat na sikat daw sa mga Pinoy na makakatrabaho ni Anne, marami ang naniniwalang si Gong Yoo nga ito dahil talagang pangarap ng Kapamilya TV host-actress na makasama sa isang proyekto ang Korean drama actor.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga social media followers and supporters ni Anne na talagang baliw na baliw siya ngayon sa Goblin actor. Almost everyday yata ay nagpo-post ang dalaga ng picture nila ni Gong Yoo (edited).

Read more...