Jake Zyrus may bagong dyowa sa Laguna

JAKE ZYRUS

HINDI rin naman patatalbog si Jake Zyrus sa pagiging millennial artist.

Sa mga napapa-da who pa riyan until now, Jake Zyrus na nga ang bagong name ni Charice Pempengco.

Lalaking-lalaki, di ba? And with “his” new hairdo na pinag-uusapan din sa social media, wala na ngang pagdududang feel na feel na talaga ni Charice ang kanyang bagong katauhan.

Sa totoo lang, naniniwala kami na kahit nagpalit na ng pangalan si Charice, kering-keri pa rin niyang makabalik sa music industry at ma-penetrate muli ang international scene with “his” great singing talent.

At ito pa ang latest, may bago na ring “love” ngayon ang binata na isa ring taga-Laguna. Kaya good luck na lang pareng Jake!

Read more...