Mga paraan upang hindi mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking

Upang hindi mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking ang mga naghahanap ng trabaho, may mga pamamaraan upang maiwasan ito

Mahalagang alamin ang  status at lisensiya ng placement agency at tiyakin kung ito ay lehitimo bago sila mag-aplay ng trabaho sa ibang bansa.

Inilahad  ang iba’t ibang pamamaraan upang matiyak kung lehitimo ang recruitment agency bago sila mag-aplay ng trabaho.

Una, bisitahin ang website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Alamin ang status ng mga lisensiyadong recruitment ageny na nakalista sa https://www.poea.gov.ph/cgi-bin/agList.asp?mode=all.

Maaaring ilagay ng aplikante ang pangalan ng agency at piliin ang kategorya ng recruitment agency kung ito ay land-based o manning agency.

Hinihikayat din ang mga OFW na tumawag sa POEA hotline number (02) 722-1144 at (02) 722-1155 para alamin kung lehitimo ang trabahong iniaalok at ang status ng lisensiya ng kanilang recruitment agency.

Sa kabilang banda, naglabas ng public advisory ang POEA na nagbibigay paalala sa mga OFW at mga aplikante na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na huwag tumanggap ng anumang alok na trabaho mula sa Chuuk State Hospital sa Federated States of Micronesia.

Pinahintong  mag-recruit ang Chuuk State Hospital ng mga manggagawang Filipino matapos ang napaulat na pagmamaltrato, paglabag sa kontrata, diskriminasyon at pang-aabuso sa mga migranteng Filipinong manggagawa.

Hinihikayat din  ang mga OFW na iulat ang sinumang kahina-hinalang indibidwal o recruitment agency na nag-aalok ng trabaho mula sa nasabing ospital sa Micronesia

POEA Officer -in-charge Aristodes R. Ruaro

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...