Sarah, Richard gugulatin daw ang madlang pipol sa bonggang kasal
GUGULATIN na lang daw nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang madlang pipol sa kanilang pagpapakasal.
Ito’y matapos ngang ipakita ni Sarah sa ilang miyembro ng entertainment press sa premiere night ng “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” ang promise ring na bigay sa kanya ni Richard noong nasa Amerika sila.
“Matagal na iyan e, bakit ngayon niyo lang napansin?” ang chika ni Richard nang makorner ng media bago magsimula ang premiere night ng horror movie na pinagbibidahan ni Sarah at ng Viva artist na si Shy Carlos.
Ito na nga ba ang sign na malapit na silang magpakasal? “Abang-abangan natin ang susunod na kabanata!” ang paiwas na chika ni Richard.
Sey naman ni Sarah, “I’m wearing our promise ring tonight, it’s our promise ring. That’s all I can say. Marriage? The right time will come.
At kahit promise ring pa lang ang suot ng aktres, feeling secured na rin daw siya sa relasyon nila ni Richard, “I have the best life ever. I’m so happy and couldn’t wish for anything. Darating din tayo diyan (kasal) malapit na.”
Kung magpapakasal daw sila ni Richard, mas type niya ang buwan ng November, “Mainit pag June bride. Ano’ng buwan ba ang malamig? December? Or baka November bride. Ayoko ng mainit kasi mahuhulas ako. Ha-hahaha!”
Feeling namin, talagang pinaghahandaan ni Richard ang proposal niya kay Sarah at sigurado naming bonggang-bongga ang magiging wedding nila.
Speaking of “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” proud na proud naman si Richard kay Sarah dahil sa magagandang reviews sa akting nito sa latest offering ng Viva Films, Kamikaze Productions at Reality Entertainment. Alam daw kasi ni Richard kung paano pinaghirapan ni Sarah ang nasabing proyekto.
“I’m very proud of her, I know how very passionate she is, and I know how hard she worked on this film,” ani Richard.
In fairness, halos lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing nag-shine nang bonggang-bongga si Sarah sa “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz”. Nabigyan niya ng hustisya ang karakter ng isang pulis (Ruth) na tumulong sa kaso ng pagpapakamatay ni Leah (Shy Carlos). Nasaksihan niya ang pagtalon nito mula sa isang balkonahe. At dahil sa pakiusap ng childhood friend ni Leah na si Gabriel (Julian Trono), napilitan si Ruth na alamin ang dahilan ng pagsu-suicide ni Leah.
Maraming gulat factor ang pelikula kaya siguradong papatok ito sa mga barkadang sabay-sabay na papasok sa sinehan.
Kakaiba rin ang treatment nito sa mga napanood na nating sanib movies dahil may ginamit na strategy ang direktor na si Katski Flores para mas maging nakakatakot at nakakakilabot ang mga eksena sa pelikula, lalo na kapag sinaniban na si Leah.
Hindi rin siyempre nagpatalbog si Shy, talagang ipinakita niya ang kanyang pagiging aktres sa pelikula. Mahirap din ang kanyang role bilang babaeng sinasaniban ng masamang espiritu. Sabi nga ng iba pang nakapanood ng pelikula, bigla nilang naalala ang Hollywood actress na si Linda Blair sa pelikulang “Exorcist”.
Maganda at maamo ang mukha ni Shy pero nagawa pa rin ng direktor at make-up artista na gawing makatotohanan ang pagsanib sa kanya.
In fairness, maganda rin ang role sa movie ni Julian bilang Gabriel na siyang makakatulong ni Ruth sa pag-solve sa kaso ni Leah. May mahahalagang papel din sa pelikula si Jim Paredes bilang si Fr. Lucas.
Showing na ito sa June 28 nationwide sa mga sinehan. Isa rin pala sa mga producer ng “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” ang award-winning director na si Erik Matti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.