CHARICE dapat mag-seminar ng katomboyan kay AIZA, nakakairita na ang sobrang kadramahan | Bandera

CHARICE dapat mag-seminar ng katomboyan kay AIZA, nakakairita na ang sobrang kadramahan

Ervin Santiago - June 10, 2013 - 05:10 AM

UMAASA si Charice na darating din ang panahon na magkakaayos din sila ng kanyang inang si Mommy Raquel at naniniwala rin siya na matatanggap din nito ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano.

Sa interview ng Startalk kay Charice noong Sabado, sinabi nito na hindi niya ipipilit ang mga bagay-bagay ngayon sa kanyang ina, alam niyang nasasaktan pa rin ito sa naging desisyon niya na aminin sa buong mundo ang kanyang pagiging tomboy at hahayaan na lang muna niya itong mapag-isa.

“Sana po magkaayos na po tayong lahat,” pahayag ng international singer. Sa isang interview, sinabi ni Mommy Raquel na hinding-hindi raw talaga niya matatanggap ang karelasyon ng anak, meron daw siyang sariling mga dahilan pero hindi na raw niya ito sasabihin sa publiko para na rin sa kapakanan ni Charice.

Dagdag pa niyo, “Umaasa po ako at alam ko po sa sarili ko po na, kasi po kilala ko po si mommy, and alam ko po na eventually, matatanggap niya po ako at kaming dalawa,” sey pa ni Charice.

At ito naman ang message niya sa kanyang girlfriend, “Actually, siyempre kahit na sinasabi niya sa aking okay siya, okay lang yun kapag nababasa niya yung mga negative comments, gusto ko pa ring mag-sorry kasi alam kong mahirap… mahirap.

“Pero nagpapasalamat ako dahil kung kinakaya ko, mas kinakaya mo. At sobrang blessed ako na I have you in my life. I love you and I love you for who you are and you’ll always be here,” sabay turo sa kanyang puso.

Samantala, kung may mga natutuwa sa pag-amin ni Charice, meron din namang naaasar. Ayon sa isang nakausap naming napipikon na sa mga kadramahan ng singer, bakit daw hindi siya tumulad kay Aiza Seguerra na nagawang ibandera sa buong mundo ang tunay na kasarian nang hindi dumadaan sa sobrang emote.

“Masyado na siyang OA. Hindi na siya cute, makakairita na siya, lalo na ‘yung mga kilos niya na akala mo lalaking-lalaki na siya. Si Aiza kasi hindi naman ganu’n, kaya hindi na niya kailangang magpaliwanag nang bonggang-bongga sa mga tao na tomboy siya. E, siya akala mo wala nang bukas kung magdrama!” chika pa ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending