TNT KaTropa umusad sa PBA Commissioner's Cup Finals | Bandera

TNT KaTropa umusad sa PBA Commissioner’s Cup Finals

Angelito Oredo - June 17, 2017 - 10:17 PM

Laro sa Miyerkules
(Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. TNT KaTropa vs San Miguel Beer (Game 1, best-of-seven Finals)

INANGKIN ng TNT KaTropa ang ikalawang silya sa Finals matapos nitong gulantangin ang Barangay Ginebra, 122-109, para pagwagian ang kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals series, 3-1, kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sinandigan ng Tropang Texters ang inihulog nitong 19-1 bomba simula sa 7:39 mark ng ikaapat na yugto upang maitala ang pinakamalaking bentahe na 15 puntos, 122-107.

Ito ang ika-17 pagpasok ng TNT sa PBA Finals.

Huling nagtabla ang laban sa 103-iskor matapos ang isang tres ni Ranidel De Ocampo ng Tropang Texters bago sinuklian ng tres ni LA Tenorio upang ibigay ang tatlong puntos ngunit pinakahuling pagkalasap ng Gin Kings sa abante sa laro sa 106-103.

Nagtulong sina TNT import Joshua Smith, na naglaro kahit iika-ika sa buong laban, Kelly Williams at RR Garcia sa 8-0 atake para agawin ang 111-106 abante bago nakaganti ang Gin Kings ng isang punto mula sa split free throw ni Tenorio, may 4:14 pa sa laro, para sa 111-107 iskor.

Isang tres ni Jayson Castro, na gumawa ng game-high 38 puntos, ang nagpasimula ng 11-0 bomba para sa Tropang Texters na tuluyang nagtulak dito para muling makabalik sa ikaanim nitong pagtuntong sa kampeonato ng Commissioner’s Cup at una sapul noong 2015 Commissioner’s Cup. Una tin itong PBA Finals para sa head coach nitong si Nash Racela.

Samantala, nakahanda naman ang Tropang Texters kung anuman ang kahinatnan ng injury ng  import nitong si Smith bagaman agad na kumuha ng posibleng makakapalit ang TNT na si Mike Myers.

Si Smith ay nagtamo ng injury sa kanang paa at iniinda pa rin ang sakit bagaman nagpatuloy sa paglalaro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending