Boyfriend na lang ang kulang (2)

Sulat mula kay Angie ng San Agustin St., La Carlota City, Negros Occidental
Problema:
1. Ako po ay isang public shool teacher at matagal na akong nagtuturo. Ako ang bunso sa aming magkakapatid at masasabi kong okey naman ang career ko at may pundar na akong bahay at lupa na naipon ko sa pagtuturo. Ang problema ko na lang sa ngayon ay wala pa akong boyfriend gayong 32 na ang edad ko sa darating na July 7.
2. Gusto ko na sanang magka-boyfriend at makapag-asawa para magkaroon na ng sariling pamilya. Kailan kaya matutupad ang wish at dasal kong ito? Saan ko makikilala si Mr. Right at kailan kaya siya darating?
Umaasa,
Angie ng
Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang magiging boyfriend mo at sa bandang huli ay tuluyan na ring mapapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsa 20 o kaya’y 28 ang darating sa iyong buhay sa taong kasalukuyan 2017, kung saan, ang lalaking ito ang una at huli mong magiging boyfriend.
Physiognomy/Luscher Color Test:
Ang cute na hugis puso o maliit na tabas ng
iyong mukha ay nagsasabing isang lalaking medyo pahaba ang hugis ng mukha ang iyong magiging boyfriend at tuluyan na ring mapapangsawa kung saan sa una
nyong pagtatagpo isa sa inyo ang naka-berde o kaya’y naka-asul.
Huling payo at paalala:
Angie ayon sa iyong kapalaran walang kaduda-duda hindi ka tatandang dalaga at siguradong magkaka-boyfriend ka. At ang pagkakaroon ng boyfriend ay magaganap sa taon ding ito ng 2017, sa buwang ng Hulyo o kaya’y Setyembre liligawan ka niya at pagsapit ng buwan ng Nobyembre madali namang magkakahulugan ang inyong loob at ganap na magiging magkasintahan. Lilipas ang susunod na pihit pa ng taon sa 2018, sa buwan ng Mayo o kaya’y Oktubre, sa edad mong 33 pataas, makukumpleto na ang buhay mo, makapag-aasawa ka na at magkakaroon ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na J. E.

Read more...