DIETHER kina ANGELICA at JOHN LLOYD: Trabaho lang, walang personalan!
SA nakaraang selebrasyon ng anniversary ng Star Magic na ginanap sa ASAP, nagkasama sa stage ang nabalitang nagkahamunan ng suntukan na sina Diether Ocampo at John Lloyd Cruz.
May nakapagsabi sa amin na hindi raw nagpansinan nang mga sandaling ‘yun ang dalawang aktor, patunay na meron pa ring tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Ang chika, pinakiusapan daw ng mga bossing ng Star Magic sina Lloydie at Diet na rumampa nang sabay sa stage para matapos na ang usap-usapan na meron silang hindi pagkakaunawaan.
Pero sa huling panayam kay Diet, nilinaw nito na hindi sila nag-aaway ni John Lloyd at lalong hindi raw totoo na muntik na silang magsapakan nang dahil kay Angelica Panganiban na kasama niya sa seryeng Apoy Sa Dagat.
May lumabas kasi noong balita na nagkasikatan diumano ang dalawa sa isang eksena nila sa soap. Binato raw ni Diet si Angel ng flower vase na wala naman sa script. Nagsumbong si Angel kay Lloydie na agad daw sumugod sa set at kinumpronta nga raw si Diether.
Sey ni Diet sa interview ng ABS-CBN, “Whatever is happening on the set, parte ’yan ng proseso para masiguro namin na maganda ang maipalabas namin. Whether it’s difficult or madali, lahat ’yan kasama.
“Kung ano man ang naglabasan na hindi maganda, I can assure you that nothing like that really happened. We are all professionals. Star Magic produced artists like myself and Angelica. Siguro you know the background ng Star Magic pagdating sa ganyan and we won’t allow things like that to go out of control,” anang aktor.
E, ang hamunan nila ni Lloydie true ba, “Like I said, walang ganoong nangyari. But whatever their issue is, hindi ako part noon. Maybe it’s between him and her, but as far as my work is concerned, I have nothing to do with.
At wala namang ire-reconcile to begin with. I believe lahat kami dito ay nagtatrabaho nang maayos and we deliver kung ano ang hinihingi sa amin. Nothing personal, trabaho lang.”
Nagsalita rin si Diet tungkol sa pagiging unprofessional niya sa set ng Apoy Sa Dagat, galit na galit nga raw si Angelica sa kanya dahil lagi siyang late sa taping.“Not in the position to answer that. Parang, kumbaga, if there are people who can really testify and say, e, dapat sa kanila manggaling ‘yon.
I can always say na, ‘No, I’m not,’ hindi ba? Pero maniniwala ka ba?” tugon ng aktor. At kahit na marami siyang naririnig na tsismis tungkol sa kanila ni Angelica, “I can consider Angelica as one of my best friends in showbiz. Hindi lahat tinatawag ko ng ‘bes.’ Kapag ganoon, mabigat ‘yon.
“Si Angelica, naggo-grow din ang tao, madami rin siyang pinagdadaanan sa personal na buhay niya. I just want her to know that we are all here. I’m one of those many friends of yours who are willing to support you no matter what,” paniguro pa ni Diether.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.