HULA hoop: Kung ang sagot sa tanong na, “What’s in a name?” ay “A lot!”, will anyone also get a similar answer to, “What’s in a number?”
Kuwento ito ng isang aktor at ng isang aktres who once had a beautiful yet stormy past bilang magkarelasyon. Pero magkaibigan na sila ngayong may kanya-kanya na silang buhay.
Once ay nag-co-host ang isang aktres sa isang talk show, nagkataong sa kanya naitoka ang pag-iinterbyu sa aktor na dating karelasyon. Kilalang madaldal ang aktres, but she manages to inject fun in anything she blabbers.
Pero hindi na nakatiis magpakatotoo ang pansamantalang co-host. Binanatan niya ang guest-actor ng, “You talaga, you gave me nga polvoron but you didn’t even make it a dozen!”
Siyam na piraso lang kasi ang ibinigay na nasabing sweet delicacy ng aktor sa kanya. Oo nga naman, hindi pa hinustong isang dosena ‘yon.
Buwelta ng aktor, “Uy, masarap naman ‘yon kahit nine pieces lang!”
Para lang depensahan ng actor ang kanyang kakuriputan, it’s the taste that matters. Not the number?
No wonder kung bakit tutol noon ang matapobreng ina ng aktres sa kanilang relasyon who hates “poor men” for her daughter.