Niyanig ng magnitude 2.9 lindol ang Batangas kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:29 ng umaga. Ang sentro ng lindol ng limang kilometro sa silangan ng bayan ng Tingloy. May lalim itong pitong kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Naramdaman ang Intensity III sa Mabini, Batangas. Intensity II naman sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Bauan, Batangas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending