TN KaTropa nakubra ang huling semis spot

NAHABLOT ng TNT KaTropa Texters ang huling silya sa best-of-five semifinals ng 2017 PBA Commissioner’s Cup matapos sibakin sa overtime ang Meralco Bolts, 104-96, sa kanilang knockout quarterfinals game Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumana sina Joshua Smith at Jayson Castro ng tig-31 puntos para pamunuan ang TNT KaTropa na ikinasa ang semifinals matchup kontra Barangay Ginebra Gin Kings na magsisimula sa Linggo.

Pinangunahan naman ni Baser Amer ang Bolts sa ginawang 25 puntos.

 

Read more...