2017 PSL All-Filipino Conference opisyal na bubuksan ngayon | Bandera

2017 PSL All-Filipino Conference opisyal na bubuksan ngayon

Angelito Oredo - June 10, 2017 - 12:07 AM

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
3 p.m. Opening Ceremonies
5 p.m. Generika-Ayala vs Foton
7 p.m. Cignal vs Petron
Team Standings: Cignal (1-0); Petron (1-0); Generika-Ayala (1-0); Foton (1-0); Cocolife
(1-1); Sta. Lucia (0-1); F2 Logistics (0-1); Cherrylume (0-2)

TAMPOK ang mahuhusay na pagpapakita ng talento ng “world’s greatest pop stars” sa isasagawang seremonya na opisyal na magbubukas sa 2017 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayong hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Inaasahang pasasayahin ang lahat ng manonood sa mga laro sa pagpapalabas ng mga divas na gagayahin ang mga pop stars tulad nina Lady Gaga at Beyonce kasama ang mga natatanging volleyball players sa bansa sa isang kakaibang pagpapakita ng showmanship, poise at talento na hindi pa nakikita sa loob mismo ng playing court.

Isasagawa ang opisyal na seremonya para buksan ang liga ganap na alas-3 ng hapon bago sundan ng salpukan sa kapwa walang talo na Generika-Ayala at Foton sa alas-5 ng hapon at ang mas maigting na paghaharap sa pagitan ng Cignal at Petron sa ikalawang laro ganap na alas-7 ng gabi.

Libre ang manood sa mismong venue habang ang mga laro ay ipapalabas ng live sa Aksyon TV at Hyper HD at mayroon din livestream sa Sports5.ph ang prestihiyosong torneo na suportado ng Rebisco, Gold’s Gym at Belo kasama ang TV5 bilang official broadcast partner.

Matapos ang pagpapalabas ng mga divas, ang miyembro ng national table tennis team at ilan sa mga kaklase ni Rio Olympian Ian Lariba sa De La Salle University ay personal na makikiusap para sa suportang pinansiyal sa may sakit na pambansang atleta.

Si Lariba, na unang Pilipinong table tennis player na nagkuwalipika sa Olympics, ay una nang na-diagnosed na may acute myeloid leukemia, isang delikadong sakit sa dugo.

“We hope that this little contribution from the PSL will enable Ian overcome the biggest challenge in her life. We’re all praying and hoping for her speedy recovery,” sabi ni PSL chairman Philip Ella Juico, habang ipinapaliwanag na ang kalahati sa ticket sales sa unang dalawang laro ng liga ay ibibigay sa medical fund ni Lariba.

Ipinaliwanag ni Juico na patuloy na tumutulong ang PSL sa maliit na paraan nito sa mga komunidad kung saan una na itong tumulong sa biktima ng bagyong Yolanda at lindol sa Bohol at nagbibigay ng volleyball equipment sa mga katulong nitong local government units sa isinasagawa nitong ‘Spike on Tour.’

Nag-oorganisa rin ito ng mga volleyball clinics at nakatakdang buuin ang PSL Volleyball Academy sa kooperasyon ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.

“This shows that the PSL is not just about competition. We’re also giving it back and helping those in need.”

Samantala, nakatakda naman magsagupa ang apat na koponan na asam manatili sa liderato sa pagsasagupa ng Generika-Ayala kontra Foton sa unang laro ganap na alas-5 ng hapon bago sundan ng title contenders na Cignal kontra Petron sa alas-7 ng gabi.

Huling inuwi ng HD Spikers ang 19-25, 25-18, 25-13, 23-25, 15-12 panalo kontra Sta. Lucia habang ang Blaze Spikers ay itinakas ang 23-25, 23-25, 25-14, 25-15 at 15-9 panalo kontra sa nagtatanggol na kampeong F2 Logistics Huwebes ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Cignal is such a veteran and strong team,” sabi ni Petron coach Shaq Delos Santos na aasa muli kina Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Frances Molina pati na sa kina Ria Meneses, Remy Palma at Mika Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending