Angel nagpaka-Darna sa Mindanao; nagbigay ng tulong sa mga biktima ng gera sa Marawi

BUMAHA ng papuri kay Angel Locsin nang ipinost ng producer-rumored boyfriend niyang si Neil Arce ang ID ng aktres bilang Mindanao volunteer sa kanyang Instagram account.

Caption ni Neil, “You don’t need to wear a costume to be a super hero.”

Komento ni @bhel_gummybear, “Gusto na kita @neil_arce for Angel…Nung nagbirthday pa lang siya na surprise nyo siya humanga na ako…sana up to the end ha?

“She deserves a man who will truly love her…mas ok din siguro kung kayong dalawa ay magiging God centered din ang relationship para tumibay at tumagal,” dugtong pa ng netizen.

“Buti pa si Angel. Sana ganyan din gawin ng iba pang mga artista. Di puro paganda lang. we love you! May God continue to bless you always,” komento naman ni @tomandjerry890.

“I remember nung senadong dito sa Cagayan de Oro (Mindanao), pumunta din si miss @realangellocsin dito agad-agad. Sabi nga nila dito is ayaw ni Angel makuhanan ng pictures kasi ayaw nyang mapulitika. She is really beautiful, no wonder she’s blessed,” sabi naman ni @qlovelife.

“Si Angel ang babaeng dapat dinadala sa simbahan at sinasabihan ng I do sa harap ng altar,” ang komento naman ni @doppelgangersuperheroine.

Read more...