DINAKMA ng gobyerno si dating Marawi City Mayor Fahad Salic sa Villanueva, Misamis Oriental dahil sa kasong rebellion.
Kung hindi dahil sa martial law, hindi mahuhuli si Salic dahil walang warrant of arrest ang mga awtoridad.
Notorious itong si Salic, ayon sa aking mga sources sa Mindanao.
Siya diumano’y drug lord sa Marawi City pero walang maipakitang ebidensiya ang gobyerno dahil walang mga testigo.
At sino namang loko-loko ang tetestigo sa isang Moro drug lord lalo na’t siya’y isang pulitiko at dati pang mayor?
Ilang buwan na ang nakararaan nang pangalanan ni Pangulong Digong si Salic na isang drug lord sa Marawi City.
Hindi nadale si Salic sa pagiging drug lord; dinampot siya dahil sa diumano’y pagsuporta niya sa Maute group na naghahasik ng lagim ngayon sa Marawi City at nakikipaglaban sa government troops.
***
Si Salic, na ang palayaw ay “Pre,” ay dating asawa ng aktres na si Alma Moreno.
Maraming-maraming pera itong si Salic.
Isang babae ang nakilala ko na niligawan ni Salic at pinapunta sa Marawi City noong siya’y mayor pa.
Ipinakita raw sa kanya ni Salic ang isang kuwarto na punong-puno ng pera at sinabing mapapasakanya ito kapag siya’y pumayag na pakasalan ng noon ay Marawi City mayor.
Noon lang daw nakakita ang babae ng bulto-bultong one-thousand and five-hundred peso bills na pinagpatong-patong at napuno ang isang malaking kuwarto.
“Saan kaya niya kinuha yung ganoong karaming pera?” sa loob-loob ng babae.
Hindi nga raw siya pakakawalan ni Salic, sabi ng babae pero nagkasakit siya at mataas na mataas ang kanyang lagnat dahil sa takot kaya’t itinakbo siya sa Cagayan de Oro hospital.
Sa ospital, natakasan daw niya ang mga guwardiya ni Salic at nakalipad siya pabalik ng Maynila.
Paano nakakuha ng ganoong karaming pera si Salic gayong ang Marawi City ay isa sa pinakamahirap at pinaka-depressed na lungsod sa bansa?
Kayo na ang makakasagot sa tanong na yan, dear readers.
***
Dahil sa pera, pinapatay diumano ng isang Bohol provincial board member ang kanyang asawa na mayor ng isang bayan ng Bohol, ayon sa pulisya.
Ipinatapon diumano ni Board Member Niño Rey Boniel ang bangkay ng kanyang asawa na si Bien Unido town Mayor Gisela Bendong-Boniel.
Ayon sa isang witness, pinapatay ni Niño si Gisela dahil nangutang daw ito ng P2.5 milyong halaga para bumili ng relo.
Sa ganoong halaga, papatayin mo ang misis mo?
Napakabarat naman nitong si Board Member Boniel!
Hala, mabubulok ka sa Muntinlupa habambuhay dahil sa kabaratan mo!
***
Naalala ko tuloy ang kuwentong-biro tungkol sa kabaratan ng Bol-anon o taga Bohol.
Nagpaligsahan ang Bol-anon at Ilocano kung sino ang tatagal sa ilalim ng ilog.
Ang pustahan nila ay bibili ng isang kahang beer ang matatalo.
Umahon na ang Ilocano dahil nawalan ito ng hangin sa ilalim ng ilog.
Hindi nakaahon ang Bol-anon dahil humawak ito ng bato upang di siya makaahon.
Ayaw ng Bol-anon na matalo at bumili ng isang kahang beer.
Hehehe!
***
Still on the lighter side…
Sa page 3 kahapon dito sa Bandera, may buong pahina ng article tungkol sa mga parte ng katawan na walang silbi kaya’t ang pamagat ay, “Wala kang silbi! Layas!”
Totoo na wala talagang silbi ang appendix, tonsils, wisdom tooth, gall bladder, sinuses at adenoid.
Maraming tao na wala na ang mga parte ng katawan na nabanggit dahil tinanggal sa pamamagitan ng surgery.
Pero may isang parte ng katawan na sinasabi ng article na hindi kailangan sa lalaki at ito ay ang mga nipples.
Ito ang buong sinabi ng item tungkol sa nipples:
“Ang mga babae, kapag nanganak ay nagpapasuso ng sanggol kaya may silbi ang kanilang nipple.
“Ang mga lalaki ay may nipple rin pero hindi sila nagpapasuso at wala rin silang nilalabas na gatas.”
Hindi sang-ayon ang inyong lingkod sa sinabing yun tungkol sa nipple ng lalaki.
Mahalaga ang nipples, mapababae man o mapalalaki, sa pagtatalik.
Tawa naman diyan,‘igan.